Friday, April 2, 2010

My Pretty Boy Multo At Ang Lover Kong Henyo

Few years ago, tinangka kong sumabay sa mga manunulat ng mga binansagang “NAKABILAONG KUWENTO.” Pero hindi nakalusot ang entry ko sa metikolosong publisher na ang katangi-tanging katwiran: “ang market kasi ng pocketbooks namin ay DH sa Hongkong, alam mo na, hindi sila makaka-relate sa lengwahe mo!”

Nanggigil ako hindi pa dahil tinanggihan ang piyesa ko…may mga kaanak at kaibigan din akong iniwan ang pamilya at nagpaka-tsimay sa abroad!

GRABE! parang sinabi na ring: MAKITID ANG PANG-UNAWA NG MGA PINAY NA NANGANGAMUHAN SA IBANG BAYAN!

Kayo na ang humusga sa entry kong ito:

My Pretty Boy Multo

At Ang Lover Kong Henyo

Ferdinand Marquez Aquino

August 4, 2004

“Ngayon ka magpakita, ngayon mo subukan, makikita mo, magkakasubukan tayo!” sambit ni Maya sa isip.

Hindi niya tiyak kung ganap nga ang nararamdaman niyang lakas ng loob ngayon basta ang nasisiguro niya, mas matapang siya ngayon kaysa kahapon.

Palibhasa, kasama niya ngayon si Stew samantalang kahapon, mag-isa siyang naglalakad sa kalsadang iyon. Ang kalsadang iyon na sa tuwing binabaybay niya ay hindi mapigalan ang kung anu-anong mga nagsisipasok at naglalaro sa kanyang guni-.guni.

Ang sari-saring ingay ng mga makinarya mula sa loob ng mga magkaka-hilerang pabrika sa isang gilid, tila ba mga impit na daing ng halu-halong mga kaluluwa sa kanyang pandinig.

Sa kabilang gilid naman, ang halos bulong na ugong ng mga giant air-conditioners ng dalawang magkarugtong na hotel-inns ay itinuturing niyang tinig ng mga naghihingalo. Dito nakahanay ang isang malawak na loteng kinababakuran ng napaka-taas na pader.

Hindi malubos-maisip ni Maya kung ito nga ba ay abandoned house o hindi; kung may nakatira nga ba rito o wala. At kung sakaling mayroon, sila ba ay mga totoong tao o nag-aanyo lamang na mga tao?

“Eto na ‘yon di’ba, nandito na tayo?” tanong ni Stew pagtapat nila roon at hininto niya ang minamanehong kotse. “Ano, hintayin nating magparamdam o…pasukin na kaya natin?” Lumabas na siya ng sasakyan.

Lumabas na rin ng kotse si Maya. Tumayo siyang katabi ni Stew at mula roo’y tahimik na pinagmasdan ang wasak na dambuhang gate sa kanilang harapan.

Pinudpod na ng kalawang ang halos kabuuan ng gate na ito at maaaring makapasok kahit pa yata ang tatlong ten wheeler trucks nang sabay-sabay.

Gilalugad niya nang tingin ang kalawakan ng buong bakuran. Wala siyang nakita kahit man lang isang barung-barong na masisilungan ng sinumang posibleng nakatira roon.

Nakumbinsi na niya ang sarili, talagang walang taong naninirahan doon. Ang ipinagtataka lang niya, bakit may sasakyan sa loob: isang bagong FX na taxi, tatlong sira at nilulumot na mga kotse at isang bulok na mini-school bus.

Sa mini-bus na ito napako ang kanyang atensiyon. Kahapon, may isang lalaking nakaupo sa ibabaw nito at nakatitig pa sa kanya.

Nasaan na kaya ang lalaking iyon?

At ang FX, kahapon ay wala iyon doon?

Puro mga lumang sasakyan lang ang kahapo’y nakatambak doon!

BIGLANG nanlamig ang buong katawan ni Maya. “At bakit naman natin papasukin pa ‘yan?,” ngayon lang niya sinagot ang kanina pang tanong ni Stew.

“Wow! Na-delay ang reply mo? Mga fifteen minutes na ang nakaraan since I consulted you,” pagbibiro ni Stew. “Sabagay, Saturday pala ngayon, dumaan siguro sa heavy traffic ang text message mo.”

“Wag mo nga akong asarin!” bahagyang napikon si Maya sa mga ngisi ni Stew.

“Are you really napipikon or in fright?”

“I’m in the state of pagka-gutom kaya uuwi na’ko. Bahala ka kung gusto mo’ng magpa-iwan d’yan!”

Bumalik na si Maya sa loob ng kotse at sumunod na rin si Stew na bitbit pa rin sa mukha ang mapambuskang ngisi.

Ang totoo, binalot na naman ng takot ang buong pagka-tao ni Maya kaya nag-aapura siyang lisanin ang lugar na iyon. Dahil sa karanasan niya kahapon, nanumbalik sa kanya ang ganoong pakiramdam. Pakiramdam na nagpahirap sa kanyang psyche sa buong panahon ng kanyang kamusmusan.

Malinaw pa sa kanyang memorya hanggang ngayon na noong bata siya, sa bawat pagkakataong napapadpad sila ng kanyang auntie Lucy sa kalsadang iyon, iniiwasan niyang masulyapan ang bakanteng lote.

Tandang-tanda rin niya na noon, halos gabi-gabi, nakapangingilabot ang mga panaginip niya ukol dito…ang lugar na ito’ng balitang-balita sa buong komunidad na pinamamahayan ng mga mapanligalig na espiritu.

Ngunit paglipas ng maraming taon, naging pangkaraniwan na lang sa kanya ang paglalakad sa kalsadang iyon. Ngayong 21 years old na siya at fifth year na sa kursong chemical engineering, Lunes hanggang Sabado, naglalakad siya sa kalsadang iyon dahil iyon ang pinaka-maigsing daan palabas ng highway kung saan siya nag-aabang ng sasakyan papuntang campus.

Iyon at iyon ang tangi niyang dinaraanan at hindi na rin niya kinatatakutan ang bakanteng lote simula pa noong unang taon niya sa kolehiyo, samantalang noong nasa elementarya pa siya, sila ng kanyang mga kaklase ay mabilis na magsisipagtakbo nang walang lingun-lingon hanggang sa malampasan nila iyon.

MAGTATAKIP-SILIM na nang maihatid siya ni Stew sa bahay. Madalas itong gawin ng lalaki. Maraming beses na siyang isinakay sa kotse nito mula school pauwi. At kung hindi lamang siya tumatanggi, kahit pa araw-araw ay gagawin ito ni Stew.

“Akala ko ba nagugutom ka, eh bakit puro orange juice ang binabanatan mo? Ako, I’m not starving but if you don’t mind…ano, uubusin ko na ‘to?” nakangiting sinabi ni Stew habang nginunguya ang brownies na si Maya mismo ang nag-bake.

Nanatiling tahimik si Maya. Kalahating oras na yata silang magkaharap sa sala ngunit patuloy siyang walang tugon sa kadaldalan nitong lalaki.

“Tinipid mo sa asukal itong tinapay mo. You’re not that type talaga. According to classic psychology, ‘pag mahilig ka sa sweets, you’re passionate. Walang katamis-tamis ang pagka-tao mo. Don’t you know that sweets stimulates mental enthusiasm? Hindi na yata nagpa-function ‘yang brain cells mo, kanina ka pa tulala d’yan,” sunod-sunod na ratsada ng bibig ni Stew at pagkatapos ay dumampot ng another slice of brownies mula sa tray na nasa ibabaw ng mesita, binawasan ito ng kagat saka initsa at na-shoot sa baso ng juice na hawak-hawak at iniinuman ni Maya.

“Counted! Ha ha ha…” napatalon si Stew sa kinauupuang sofa sa sobrang tuwa.

Tumalsik ang laman ng baso sa mukha ni Maya ngunit sa halip na magalit, napabungisngis na lamang.

Samantala, patago niyang dinukot ang piraso ng tinapay sa loob ng baso at mabilis na ikinuskos sa mukha ni Stew. Mula rito, napuno ng halakhakan nilang dalawa ang buong sala.

Madalas nasa ganito silang tagpo, ginagawang katuwaan kahit pa nga ang masasakit na biruan. May mga pagkakataon din ng pagkaka-pikunan at parang mga batang magkaka-bati; walang mga malalalim na tampuhan lalo na’t wala naman silang malalim na unawaan sa isa’t isa. Kung tutuusin, sila ay hindi masasabing ganap nang magka-ibigan dahil mag-aapat na buwan pa lang silang magka-kilala.

PREFECT ng university library ang mommy ni Stew at may tinatanaw na malaking utang na loob dito si Maya dahil sa isang pangyayari, mahigit tatlong buwan na ang nakararaan.

Examination period iyon noon, dala na ni Maya ang perang pambayad sa kakulangan niya sa tuition. At dahil afterlunch pa naman ang schedule ng kanyang exams, dumaan muna siya sa library paano’y alam niyang sa mga oras na iyon, napaka-haba ang pila ng mga estudyanteng nagbabayad din ng kabuuang matrikula.

Matapos ang halos dalawang oras na pagbabasa, dumiretso na siya sa canteen. Doon niya kinapa ang bulsa ng suot na palda at nalamang wala ang pitakang kinasisidlan ng lahat niyang pera. Kaya patakbo siyang bumalik ng library at naghagilap ngunit walang natagpuang pitaka.

Paulit-ulit niyang sinuyod nang hanap ang lahat ng pinanggalingang daan patungo at paalis ng canteen. Sa ika-limang beses niyang pagbalik sa library ay nawalan na siya ng pag-asa. Umupo na lamang sa isang sulok at humikbi.

Sa kalagayan niyang iyon, lumapit ang isang pandak na babaeng ang edad ay nasa pagitan ng singkuwenta hanggang singkuwenta y singko. Ito si Mrs. Agcaoli, ang momy ni Stew. Kanina pa pala nito pinagmamasdan ang tuliro at paroo’t paritong si Maya. Sandali silang nag-usap at pagkatapos ay pumasok na ang ginang na ito sa kanyang cubicle.

Bagama’t nanumbalik na ang sigla sa mukha ni Maya mula sa pag-uusap, naroon pa rin ang kabog sa kanyang dibdib habang naka-upo sa silya at naghihintay ng susunod na magaganap.

Makalipas naman ang ilang minuto, lumabas na rin sa cubicle ang isang binatang sa gulang na 23 ay halos naka-luwa na ang mga mata, patunay lamang na matagal na panahon na nitong gamit ang suot-suot na makapal na eye glasses.

Malayo pa ay nakangiti na sa kanya ang lalaking ito. Ngiting sa tantiya niya ay mula sa isang malisyoso, over confident, immature na gayundin nama’y masayahing tao.

“He seems an intellectual but I rather doubt he truly is,” kausap ni Maya ang sarili habang tinititigan ang makapal na librong bitbit ng lalaking palapit na sa kanya.

Ugali na ni Maya ang ganoon, judgmental sa lahat ng taong nae-encounter niya.

“Hello beautiful,”panimula nito paglapit sa kanya.

Gusto sanang sumimangot ni Maya, pakiramdam niya’y binabastos siya nito. Ngunit hindi na lang niya pinahalata ang pagka-irita, tinugon na lang ito ng ngiti at pag-tango.

“Ang pangalan ko po ay Stew and my arrival here was announced by my katangi-tanging ina, was’nt it?”

“By Mrs.Prefect, yes,” tumayo ang dalaga at inabot ang kamay. “I’m Marr…”

“Marriane Bernardo, I was told…by my nanay pa rin of course,” pakli ni Stew. “Babaeng-babae ang pangalan mo pero apelyido, ha ha ha…machong macho.”

“Ha ha ha…feeling mo close friends na tayo ‘no?” hindi na nakatiis si Maya, gumanti na rin.

“Ha ha ha at ha ha ha pa uli. O, upo ka na uli, tapos ka na’ng tumayo eh,” Tuloy pa rin sa pang-iinis si Stew.

Sabay silang umupo sa magkaharap na silyang ang pagitan ay malapad na mesa. Ipinatong dito ni Stew ang bitbit na libro, binuklat ang mga pahina saka dinukot ang naka-ipit na tseke.

Para tayong lovers, don’t you notice?” sabi pa nito at akmang hahaplusin ang mga braso ni Maya sa ibabaw ng mesa.

Tumayo si Maya at pinukol ng matatalim na titig si Stew. Gigil na gigil na siya. Kung ipagpapatuloy pa ng lalaki ang kabastusan, hindi na siya mangingiming murahin ito.

Stew responded her a friendly smile bago inabot ang tseke.

“Pay to cash ‘yan, guaranteed. Already signed by mommy at the back,” malambing niyang sinabi.

“Take your time, di mo kailangang madaliin ang encashment. Di mo kailangang humabol sa exams this afternoon,” patuloy nito at muling dumukot sa mga pahina ng libro, kapirasong papel at inabot na naman kay Maya.

“Excuse slip ‘yan. Hand-written ni momy para sa mga instructors mo, pleading them na payagan kang bukas na lang mag-take ng exams. Sigurado siyang in bad mood ka ‘til this very moment, may aftershock pa ng tension dahil sa wallet mo. Baka nahulog ‘yon sa jeep, sa bus or…ano ba sinakyan mo? Anyway, just relax,” napaka-amo na ng tono niya.

“Sinadya ko talagang galitin ka. Masyado raw mababa ang moral mo kanina sabi ni mommy, parang binagsakan daw ng langit. But look at you now…you’re in high spirit again. See, that’s how anger works.”

Magaling si Stew, na-realize ni Maya. Labis siyang humanga rito sa unang pagtatagpo nilang iyon.

Labis-labis din naman ang papuri niya sa kabutihang loob ng momy nito. Paano’y sa pag-uusap nila, inalok siya nitong ginang na maging part-time student assistant sa library sa kasunduan na unti-unting ibabawas sa mga magiging suweldo niya ang halaga ng tsekeng ipagka-kaloob sa kanya.

Tinanggap naman ni Maya ang alok at ang suwedo ay buong-buo niyang natatanggap.

“Unless you got stable job with at least two digit thousand pesos salary rate, di ko tatanggapin ang bayad mo. Kaya be sure to finish your course, ha. Dahil kung hindi, di mo’ko mababayaran at habambuhay kang guilty,” sabi pa sa kanya ng butihing ginang minsang pinagpipilitan niyang hulog-hulugan ang utang.

Simula noon, inilapit na ni Maya ang sarili sa buong pamilya Agcaoli, lalung-lalo na kay Stew.

Noong una, hindi makapaniwala si Maya na si Stew at ang University’s Pride ay iisa. Hindi pa man niyanakita ang hitsura ng lalaking ito, matunog na sa kanya ang pangalang Stewart Agcaoili.

Noon kasi, halos bawat buwan ay naka-display sa mga kanto ng unibersidad ang mga banners na iwinawagayway ag pangalang iyon na palagi na lamang nagbibigay ng tagumpay at karangalan sa pamantasan.

At karangalan din ito para kay Maya…that she’s a companion of a young blood intellectual Stew!

At bakit naman hindi? Sa totoo lang, inggit na inggit ang napakaraming collegiate kay Maya dahil sa kanya naging close itong si Stew.

Si Stew---kahit ang mga tinitiliang varsity players ay naghahangad na maging kaibigan siya.

Papaano ba naman, sa kasaysayan ng unibersidad na iyon, si Stew ang pinaka-batang naging trainor ng debaters team. At noong siya pa ang presidente nito, apat na taon niyang hinawakan ang pagiging champion sa mga inter-school debate competition.

Dagdag pa, siya rin ang naging champion ng isang prestigious quiz show sa telebisyon; nagkamit ang grand prize sa script-writing competition at essay-writing contest sa pinagpipitagang Carlos Palanca Memorial Awards; nakatanggap ng $20,000 mula sa Time Magazine dahio isa siya sa first 20 contestants who filled-up all correct answers to the cross-word puzzle international contest.

Lamang, Hininto na niya ang paglahok sa alinmang tagisan ng utak. Marahil ay nagsawa na siya sa mga papuri.

Ang talagang nakakabilib, nalalaru-laro lang niya ang pag-aaral. Bihira siyang pumasok sa eskuwela at kung nasa loob mang ng classroom, madalas nagbabasa ito ng classic at contemporary novels habang nagle-lecture ang teacher.

But he was accelerated twice. First, in his elementary days. Second, his secondary level. Kaya naman tinapos niya ang high school at the age 14.

Kumuha siya ng kursong A.B. History and graduated a summa cum laude at the early age 18 and after two years, he got his masteral degree.

Ngayon, tatlong taon na siyang college instructor on Asian Civilization at kasalukuyang second year Law student.

Gayunman, hindi siya nagdaramot ng panahon kay Maya, hingin man ito ng dalaga o hindi.

Subalit kanina, talagang hiningi ni Maya ang panahon ni Stew upang samahan siya pauwi. Kailangan niya ng katuwang sa balak niya sanang pag-iimbestiga. Gusto niyang magkaroon ng kaliwanagan ang naging karanasan kahapon. Lamang, nahintakutan siya kanina at nagmadaling maka-uwi.

“Assuming, Maya, assuming,” pagseseryoso ni Stew matapos ang kanilang paghaharutan. “Assuming na multo nga ang nakita mo kahapon, may problema ba r’on?” patuloy niya habang pinapahid ng panyo ang mga mumu ng brownies na kumalat sa magkabilang pisngi.

“Tarantado siya eh, tinakot niya ‘ko!”

“How can you be sure na tinatakot ka nga niya on that moment? Besides, pwedeng di ‘yon intentional. I mean, tsamba lang na nakita mo siya but he never intended it.”

“Sigurado ako’ng sinadya niyang magpakita kasi nagkatitigan kami, mga 40 seconds siguro.”

“Nanlilisik ba mga mata niya? 40 seconds? You mean, after almost 1 minute ninyong pagtititigan, he disappeared?”

“Well…actually, ‘di naman nananakot ‘yong mga titig niya. Pero di ko na hinintay na mag-disappear siya basta tumakbo na’ko”

“Pero lumaban ka nang titigan. Alam ko na…he got sexy eyes, ano? Na-fascinate ka? Golly wow, Maya…na-in-love ka sa multo. Ha ha ha…”

“Ang cheap mo ha.”

“I’m quite sure, siya ang na-fascinate sa’yo,” pagbabago ng tono ni Stew. “Ang ganda mo kasi Maya, ang ganda-ganda mo. I like you, I really really like you,” dugtong niyang halos pabulong at napaka-romantiko habang pinagmamasdan ang mukha ni Maya na talaga namang very feminine: ang maliit nitong bibig; ang maninipis na mga labi; ang maliit na mga butas ng ilong; ang makitid at mabalahibong noo; ang malalalim na dimples na lumilitaw sa bahagya lamang na pagngiti;

Gulat na gulat si Maya sa inasal ni Stew. Nanibago siya sa mga pagtitig nitong para bang katumbas ay pinaghalong pagsusumamo at kawalan ng pag-asa.

Sa labis na pagka-bigla, hindi na niya nagawa pang tumugon kaya binalot sila ng sandaling katahimikan.

Sa simula pa lang, halata na niyang may pagtingin si Stew sa kanya. At alam niyang aabot sa ganito, aalukin siya ng isang relasyong higit pa sa pagiging magka-ibigan.

Ngunit di siya makapaniwalang sa ganitong pagkakataon at istilo ito magpapahayag ng damdamin. Dahil napaka-lapit ng loob nila sa isa’t isa, inaasahan niyang liligawan siya nito sa pinaka-casual na paraan.

Mistula namang nagising sa pagkaka-idlip si Stew nang bigla siyang makaramdam ng hiya. Hiya sa sarili at hiya para kay Maya.

Gusto niyang takasan ang pagka-pahiyang pinalalala pa ng kanilang mga pagtahimik subalit para siyang estatwang hindi maigalaw maging ang mga matang nakatutok pa rin sa kagandahan ng dalaga.

CHAPTER 2

“Ano, gan’on na gan’on ba? Gayang-gaya ko ba ang mga pagtitig sa’yo ng multong ‘yon kahapon?” mabilis na naka-isip ng palusot si Stew. “Kung di ka siguro tumakbo, naka-usap mo siya. At gan’on na gan’on din ang sasabihin niya tulad ng pagkakasabi ko. Na ang ganda-ganda mo at I really really like you. Wow, how romantic! Ha ha ha…multong nagsasalita.”

“Bakit di ba pwede ‘yon? Nangyayari naman talaga ang ganoon a,” ika ni Maya sa normal na timbre ng boses.

Nakahinga nang maluwag si Stew. Kutob niya’y hindi nahalata ni Maya na siya ay lumulusot lang kaya kalmado siyang nagpatuloy.

“How could that be? Teka, ano ba’ng definition mo ng multo?”

“Kaluluwa. Spirit…’yon lang naman ‘yon eh.”

“So, walang flesh, walang larynx at vocal cords. Therefore, di makapagsasalita ang isang multo, right? C’mon, Maya, brush-up your biology. Future scientist ka pa naman. Bachelor of science in chemical engineering ang course mo pero kinakalawang ka na yata sa basic science.”

Ngiti at pag-iling na lang ang itinugon ni Maya. Ayaw na niyang mangatwiran pa. Ang nangibabaw sa kanya ay paghanga. Talagang suko siya sa reasoning ability ng kaibigan.

Hindi ito lingid kay Stew. Alam niyang ang paging clever at witty lamang niya ang pinagmumulan ng attraction sa kanya ni Maya kaya lalo niyang pinalawig ang pamimilosopiya,

“Ang personal philosophy ko regarding the multo…at lagi mo itong tatandaan…na ang multo, inferior entities kumpara sa’tin. They are but only spirit. Tayo, may sepiritu na, may laman pa…Spirit of the dead is weaker spirit than the spirit of the living human.”

“Sige na, bilib na’ko sa ‘yo Mr. Philosopher.”

“Hu…andami mo pang pa-ekla, bistado ko namang crush na crush mo’ko, di mo lang maamin. Aminin mo na kasi.”

“Talaga lang ha. Nananaginip ka, kelangan mo’ng magising,” binato ni Maya ng unan si Stew at ihinagis naman ito ng binata pabalik.

Nasa ganito silang tagpo nang dumating ang auntie Lucy ni Maya mula sa pamamalengke. Wala naman itong kaso sa kanyang tiyahin. Pangkaraniwan na rito ang makitang kasama at kaharutan ng pamangkin si Stew.

Nakababatang kapatid ng kanyang ama ang kanyang auntie Lucy na na-biyuda, ilang linggo matapos ikasal. Chief steward sa isang international airline ang napangasawa nito na namatay sa isang plane crash.

Three years old si Maya noon, ang bunso sa pitong magkakapatid at napaka-close sa kanyang auntie. Madalas siyang isinasama nito sa lahat ng lakad paano’y tuwang-tuwa itong ipangalandakan sa marami ang takaw-pansin na kariktan ng kanyang batang pamangkin.

Kahit noong musmos pa si Maya, kapos na ang katagang cute upang ilarawan siya. Ang lahat ay nagsasabing napaka-ganda niyang bata.

At noon pa man, higit na malapit ang loob ni Maya sa kanyang auntie Lucy kaysa sa sariling ina. Kaya nagpasya ang kanyang mga magulang at mga nakatatandang kapatid na ipakupkop na lamang siya sa tiyahin na noo’y nagdadalamhati pa sa yumaong asawa.

Mula noon, ang tiyahin niyang ito ang tumayong responsible sa kanya. Malaki ang tinatangap nitong monthly pension kaya naman natutustusan ang pag-aaral ng dalaga sa isang expensive university.

Gayunman, regular na dumadalaw si Maya sa mga tunay niyang magulang pati na rin sa mga kapatid na may kanya-kanya na ring pamilya.

“MAG-BOYFRIEND na ba kayo ni Stew?” agad na tanong ng tiyahin matapos magpaalam at makaalis ang binata.

“Pa’no pong mangyayari ‘yon eh hindi naman niya ako nililigawan?”

“Eh kung ligawan ka niya?”

“Ewan ko po. Siguro kapag nanligaw na siya saka ko na po-problemahin kung sasagutin ko ba siya o hindi. At hindi ko po pinaghahandaan ang tungkol diyan.”

“Hindi naman kita pinagbabawalan, di ka naman na teenager. Isa pa, kahit di nangangalahati sa ka-gwapuhan ng uncle mo ‘yang si Stew, sigurado namang magiging masagana ang buhay mo sa kanya. Pero bawal pa ang pag-aasawa ha, magtapos ka muna. Ganoon din si kay Stew, mahihirapan siyang tapusin ang abugasya kapag nagsama na kayo.”

“Naku po ang auntie ko, ipinagyabang na naman ang ka-gwapuhan ng yumaong asawa. Wag po kayong mag-panick, si Stew man, si Elija Wood o kahit si President George Bush pa’ng lumigaw sa’kin, priority ko ang garaduation bago ang pag-aasawa.”

“Siya, sige na. Magbihis ka na’t ako nama’y magluluto na ng hapunan.” Isinara na ng tiyahin ang usapan.

RIGHT after dinner, umakyat na sa kanyang kuwarto si Maya. Ewan ba at wala siyang ganang manood ng tv ngayon, di tulad ng nakagawian bago matulog.

Umupo na lang siya sa harap ng salamin at pinagmasdan ang mukha.

“Yes, Maya, you have the gift of beauty!” madiin niyang sinabi sa kanyang sariling repleksiyon.

Napaka-taas ng kanyang self-estem. Siya mismo ay hangang-hanga sa sariling kagandahan. Kagandahang nagiging dahilan kung kaya’t halos lahat ng kalalakihan ay nag-aalangang dumiga sa kanya.

Ni minsan, di pa niya naranasang magkaroon ng boyfriend. Hindi naman dahil ayaw pa niya. Katunaya’y gustong-gusto niya, noon pa man. Matagal na siyang naghihintay, simula pa noong teenager siya.

Napaka-rami rin naman siyang crushes at ang ilan sa mga ito ay naglakas-loob noon na ligawan siya. Ngunit sa kanyang mind-set, ayaw niyang maging dehado. At palagi, sa kanyang kalkulasyon, lahat ng natipuhan niyang lalaki ay hindi worth sa kanyang beauty.

Pagod na siya sa paghihintay. “Yon bang in an instant mako-confirm ko sa sarili na this is it kapag natagpuan ko na siya, isang nilikhang makaka-defeat sa’kin. Pakiramdam na very mystical at parang magnet na hihilain ako then I finally give-in…pero wala pa rin eh. I never met him yet.” Minsan ibinukas niya kay Stew.

Laman ngayon ng isip niya ang kaibigan. Alam niyang naduwag lang ito kanina. Si Stew na matapang sa anumang larangan ng labanan ay bahag ang buntot na magtapat ng damdamin sa kanya.

Super good-looking ang pinapangarap niyang life-time partner. Isang lalaking hindi lang tatapat kundi hihigitan pa ang level ng kagandahan niya. Samantalang si Stew, although si masasabing pangit ay di rin naman masasabing ma-hitsura.

Ngunit nahuhulog na ang loob niya rito. Ngayon, iniisip niyang baka ang katalinuhan nito ang tanging ka-match ng kanyang kagandahan. Baka si Stew na nga ang talagang nababagay sa kanya at di na kailangang maghintay ng iba pa.

Humiga na siya sa kama. Narinig niyang may humintong sasakyan sa tapat ng gate nila at maya-maya’y naulinigan niyang may kausap ang tiyahin sa labas ng bahay.

Hindi na siya bumangon upang sumilip sa bintana. Ikinabit ang diskman sa tainga at habang nagpapaka-aliw sa love song, si Stew pa rin ang laman ng utak.

“He got sexy eyes, ano?” naalala niya ang tanong nito kanina.

Ewan niya. Hindi niya alam kung ang mga mata nga bang iyon ang nagbibigay ganda sa hitsura ng lalaking iyon kahapon. Basta ang natitiyak niya, kahit pa ilang saglit lang niya itong natitigan, at kahit pa ilang metro rin ang layo nito sa kanya, ang multo ay magandang lalaki.

Pilit niyang nilalabanan ang antok. Pilit inaalala ang hitsura ng lalaking iyon; ang mukha nito na di niya nagawang I-rehistro sa memorya.

Hanggang sa di niya namalayan, nakatulog na siya at may napaka-sarap na panaginip: lumilipad siya sakay ng hot-air balloon kapiling ang gwapong multo. Mahalumigmig ang hangin sa itaas at maaabot na nila ang mga ulap. Napaka-tulin ang kanilang sasakyan kaya’t ubod-higpit siyang yumakap sa lalaki. Ang samyo ng mababangong bulaklak sa ibabaw ng bundok ay umaabot sa kanyang pang-amoy at may napaka-lambing na musikang dumuduyan sa kanya sa paglalakbay na iyon.

CHAPTER 3

Naalimpungatan si Maya nang binunot ang earphones sa magkabila niyang tainga .

“Kaya naman pala di mo ko naririnig, nakapasak ‘yang radyo sa tenga mo. Kanina pa’ko kumakatok sa pinto mo.” Ang auntie niya. “Mag-a-alas otso na ng umaga.”

Nagtaka si Maya. Bakit parang kay-igsi naman ng gabi. Di siya makapaniwalang ganoon na pala ka-haba ang naging panaginip niya.

“Sunday ngayon, auntie, wala akong pasok.” Pumikit uli siya upang ituloy ang pagtulog.

“Linggo nga ngayon, magsisimba ako. Di ka ba sasama?”

“Sige po sasama ako,” muling dilat ng dalaga.

“Sumunod ka na sa ibaba’t nakahain na ang almusal. Bilisan mo, alas nuebeng huling misa. Ang bagal mo pa namang maligo’t magpaganda.”

Bumangon na si Maya. Kay ganda ng kanyang umaga dahil sa napaka-sarap na panaginip. Parang totoo; para talagang nahipo niya ang mga ulap.

Ang pala-isipan sa kanya, bakit ang panaginip ay di nakakatakot samantalang tungkol ito sa lalaking multo. Sa panaginip, muli niyang napagmasdan ang lalaki. Ngunit ngayong gising na siya, nalimutan na naman ang hitsura ng gwapong multo.

“Tumawag si manang Lilia kanina. Nagtatanong kung uuwi ka raw ba ngayon o sila na lang ng papang mo ang papasyal dito sa bahay,” ika ng auntie nang magkaharap na sila ni Maya sa almusal.

“Yong bakanteng lote po d’yan sa kabilang kalye, katapat ng pabrika ng papel, ilang taon na ba’ng walang nakatira doon?”

“Naku, itong batang’to, lumilipad na naman ang isip. Ang sabi ko naka-usap ko sa telepono ang mamang mo.”

“Tayo na lang ang bumisita sa kanila, auntie. Diretso tayo pagkatapos ng misa.”

“Akala ko di mo ko naririnig. Bakit mo na naman ba naitanong ‘yang bakanteng lote? Hangang ngayon ba, pinaniniwalaan mo pa rin ang mga lumang kwento ng mga kapit-bahay natin? Kesyo meron daw nagpapakitang white lady doon, may umiiyak na sanggol, may sumisitsit sa mga dumadaan. Ikaw, araw-araw kang dumadaan do’n, may nagpakita na ba sa’yo? Imposibleng meron.”

“Wala. Basta wala lang. Nami-misteryosohan lang po ako sa loteng ‘yon.” Ayaw na niyang ikuwento pa ang tungkol sa nakitang lalaki roon.

“Si Aleng Paying ang maraming kuwento tungkol diyan, old tenant siya ng barangay natin. Alam mo rin namang sa inyo ako nakatira noong dalaga pa’ko. Si Cory na ang presidente nang binili ng uncle mo itong duplex nating ito. Dinatnan ko na’ng bakante ang loteng ‘yon.”

“Ikaw nga po ang paboritong kausap ni matandang Paying eh. Ano ba’ng mga chica niya sa inyo?”

“Nakakapag-meryenda kasi siya dito sa bahay kaya paborito niya akong kausap. Pero wala siyang kinukwentong kung anumang multo riyan sa bakanteng lote. Basta ang sabi niya, iyan daw ang dating bahay ng mag-asawang Pancho de Luna at Pacita Moran, mga sikat na artista noong 1950’s. Parang palasyo raw sa ganda ang bahay nila riyan. Pero siyempre artista, tsamba kung makitang lumabas.”

“Baka sila na nga ‘yong nagmumulto. Pinasok siguro sila ng magnanakaw tapos minasaker,” sugpon ni Maya.

“Hindi. Natatandaan ko noon, naghiwalay sila pero hindi naging kontrobersyal ang balita. Ang headline kasi noong panahong iyon, pagkamatay ni Ninoy Aquino. Tatlo yata ang anak nila, isinama lahat ni Pacita sa abroad. Si Pancho, naiwan yata dito sa Pilipinas. Ewan ko kung buhay pa, ang alam ko may cancer ‘yon eh.”

Hindi pa rin kumbinsido si Maya. Nanahimik na siya ngunit matigas pa rin sa paniniwalang may multo sa lugar na iyon.

Napakarami ka yatang iniisip, iha?” naghihinala ang tono ng tiyahin, “Maraming beses ka na sigurong nahulugan ng bitbit.”

“Ng ano, auntie?”

“Binder mo, nahulog sa kalsada. Driver ng FX ang nakapulot, noong nakaraang hapon daw. Kagabi lang daw siya nagkaroon ng panahon na hanapin ang tirahan mo. Mabuti na lang daw at binuklat niya’t nabasa ang address natin.”

Napagtanto ni Maya, ang driver na iyon ang kausap ng tiyahin kagabi; nagmagandang-loob na ihatid ang binder niyang nabitiwan nang nagtatakbo siya sa takot noong nakaraang hapon sa kabilang kalye. Nakasiksik doon ang kanyang ID at registration form kung saan nakalista ang kanyang class schedule, school at residential address.

“Medyo masama kasi ang pakiramdam ko n’ong Friday, di ko namalayang may nalaglag na pala sa mga dala ko.” Nag-imbento na lang siya ng katwiran.

NANG sumunod na umaga, ginising si Maya ng phone call.

“Good a.m. sis. May itatanong ako sa’yo later on. This is urgent that needs immediate answer.” Si Stew.

Kung ano man iyon, di na natanong ni Maya. Agad kasing nag-off ng cellphone ang kaibigan.

Bumangon na siya sa higaan, inayos ang sarili at mga gamit sa pagpasok. Lunes na naman, araw ng klase. Iyon lang naman ang aasikasuhin niya. Ang pagluluto at iba pang mga gawaing bahay, ang tiyahin na ang gumagawa.

Paglabas niya ng bahay, ilang hakbang pa lamang ay natanaw na ang kotse ni Stew. Kanina pa ito naghihintay sa labas, bago pa sumikat ang araw.

“Ano ba’ng urgent na’yon?” tanong ni Maya pagsakay ng kotse.

Agad pinaandar ni Stew ang sasakyan saka tinugon si Maya ng isa ring tanong, “Mahimbing ba tulog mo kagabi?”

“Oo. Sobra antok ko kagabi, pagod sa biyahe’t pakikipaglaro sa mga pamangkin. Umuwi kasi kami ni auntie sa Cavite kahapon. Nag-picnic kami buong mag-anak. Bakit mo naitanong?”

“I slept only three hours eh. Groggy ako today kaya di ko muna sisiputin ang mga estudyante ko. A-attend din sana ako ngayon sa lecture on remedial law pero a-absent na lang ako. After kitang maihatid sa school, uuwi na ko.”

“Bakit mo pa kasi ako sinundo? Ano ba’ng urgent mo’ng itatanong?”

“Yon nga, napuyat ako sa kaiisip kung dapat ba’ng itanong sa’yo kung …”

“Ano nga?”

“Kung papayag kang maging boyfriend ako?” biglang nasabi ni Stew. Nagulat siya sa pasigaw nang tanong ni Maya. “Ang baduy ‘no” bigla niyang kabig. “Okay lang kung ayaw mo, at least nasabi ko. Matagal ko na gustong sabihin pero natatakot akong baka iwasan mo na ‘ko. Baka magkaroon na ng malisya ang pagdikit-dikit ko sa’yo. Pero kung di mo gustong offer ko, kung di mo gustong…”

“Gusto ko at tinatanggap kong offer mo,” pinutol na ni Maya bago pa humaba ang sasabihin ni Stew.

CHAPTER 4

Pagdating sa campus, parang ayaw nang humiwalay ni Stew kay Maya. Kung hindi lang siya halos ipagtulakan na ng dalaga, hindi pa siya uuwi.

“Okay, okay. I’ll take a short rest then, susunduin kita mamaya, ha?” napilitang magpa-alam ang binata.

Walang mapagkasyahan ang kaligayahan ni Stew. Ngayon at last, he and Maya are lovers.

Ngunit para kay Maya, may maling nangyari. Sinisisi niya ang sarili pero wala na siyang balak pang bawiin ang pag-oo kay Stew. Napaka-unfair naman kung gagawin niya ang gayon sa kaibigan.

Noong naunang gabi, laman ng utak niya ang binata. Tinitimbang-timbang niya ang pag-aalinlangan: nakahanda ba siyang maging kasintahan ni Stew o hindi?

At ngayon, kung kailan tinanggap na niyang maging nobyo ang kaibigan, saka pa lamang siya nakalampas sa pag-aalinlangang iyon. Pagkat ngayon, natitiyak niya sa sarili, wala siyang espesyal na damdamin para kay Stew.

Pasado alas dos na ng hapon, tapos na ang huling subject ni Maya at palabas na siya ng classroom. Hindi na siya di-diretso sa library. Nagpasya na siyang ihinto na ang pagta-trabaho roon.

Kanina kasi, tumawag sa cellphone niya ang mommy ni Stew na nagyayang mag-lunch sa labas ng university at pinagbigyan naman niya. Doon, napag-usapan nila ang tungkol sa kanyang part-time job.

“Good luck to you both,” pangiti sa kanya ng ginang nang nasa loob na sila ng fast food.

Tuwang-tuwa ito na si Maya at ang anak ay magka-relasyon na. Ibinalita ito sa kanya ni Stew thru e-mail.

“Tulog pa si Stew until now. Puyat ‘yon eh. Siyanga pala, it’s up to you kung gusto mo pang ituloy ang libray work. But I suggest, mag-focus ka na sa study. Sapat na ang ilang buwang iyon. ‘Yon lang naman ang intensiyon ko, maranasan mong magkapera mula sa sariling pawis,” patuloy ng ginang.

“Si Stew ganyan namin dinisiplina ng daddy niya. We inculcated on him the very essence of labor. Of course, sagot pa namin ang expenses niya until he finished law. Pero ang gasolina at maintenance ng kotse niya, hindi na niya hinihingi sa’min. Galing iyon sa income niya as teacher,” dagdag pa nito.

“Welcome to the family, Maya. Well, noon pa naman hindi ibang tao ang turing ko sa’yo pero mas lalo na mula ngayon. From now on, I’ll treat you as my own daughter.”

Ang pagmamalasakit ni Mrs. Agcaoli ay additional burden kay Maya. Napaka-bait at napaka-close nito sa kanya. Kaya pakiramdam niya, mayroon siyang obligasyong kailangan tupdin: tumbasan ang pag-ibig ni Stew.

Ito ang laman ng isip ni Maya habang nakaupo sa bench at hinihintay ang susundong si Stew.

“Ang laki naman yata ng problema ko,” kausap niya ang sarili. “Sinlaki yata ng big bike na ‘yon,” natanaw niya ang isang Harley Davidson motorcycle na naka-park sa isang tabi.

“Ang taas, ang cute. Malaking mama ang may-ari n’yan. Cute rin kaya siya?” inagaw ang atensiyon niya ng motorsiklong talaga namang napaka-elegante na pabiro niyang ikinumpara sa nobyo.

“Di tulad ng height niyang minana sa ina, nakakata-cute.”

She had a right guess: after few minutes, isang matangkad at matipunong lalaki ang sumakay sa big bike. Nakatalikod pa ito habang mina-maneuver ang motorsiklo. At pagharap, tumambad kay Maya ang ka-gwapuhang higit pa sa kanyang inaasahan.

“Bakit parang siya? Tama, ‘yan ang hitsura niya.” Kumakalabog ang dibdib ng dalaga. Nanumbalik sa kanyang memorya ang mukhang ilang araw na niyang pilit inaalala: ang mukha ng lalaki sa bakanteng lote; mukhang napagmasdan niya sa isang panaginip.

Gusto pa sana niyang titigan ang lalaki ngunit nagsuot na ito ng helmet at agad humarurot.

“Hindi naman siguro,” pinayapa niya ang sarili. “Siguro, dahil sa kaiisip ko sa poging multong ‘yon kaya naging kamukha niya itong very good-looking guy in his very handsome bike.”

Maya-maya pa, dumating na rin si Stew and drove her home. Hindi na siya nagkuwento pa ng kung ano na naman ukol sa multo. Mula sa araw na iyon, pilit niyang tinuruan ang sarili na maging masaya bilang GF na ng lalaking nakasanayan niyang ituring na kamag-anak.

Ngunit nang mga sumunod na araw, regular na niyang nakikita sa university ang lalaking sa paningin niya ay kamukha ng multo.

Ang ipinagtataka lang niya, bakit parang sinadya ng pagkakataon na ang oras ng pag-uwi niya ay katulad ng sa lalaking ito. Napaka-coincidental naman yata na magka-pareho ang class schedule nilang dalawa. Bawat araw na natatapos ang kaniyang klase at hinihintay si Stew sa bench, iyon din ang pagsulpot ng lalaking agad sumasakay sa ipinaradang motorsiklo na agad din namang sumisibad palabas ng school.

Isa pa, sa halos limang taon niyang pamamalagi sa university, ngayon lang niya nakita ang lalaking ito. Basta na lang itong lumitaw sa campus mula nang nagpakita sa kanya ang multo sa bakanteng lote.

Suspetsa niya, magka-ugnay ang dalawa: ang lalaking ito at ang multo.

Lamang, ang multo ay nakipag-titigan sa kanya, dumalaw pa sa panaginip. Samantalang ang lalaking ito, ni hindi man lamang siya sinusulyapan sa bawat araw nilang encounter, sa ganoon at ganoong sitwasyon.

ANOTHER weekend. Isang linggo na ang nakalipas mula nang magpasama siya kay Stew sa bakanteng lote. Ngayon ang ika-anim na araw; ika-anim na pagkakataong matatanaw niya ang gwapo, matangkad at machong lalaki.

May pananabik si Maya habang papalabas ng classroom. Mula nang makita niya ang lalaking ito, araw-araw na lamang, gusto niya’y mabilis na dumaan ang mga oras; matapos na sana ang last subject at maka-upo na siya sa bench. Ewan ba niya, basta magkahalong pakiramdam: nahihiwagaan at gayundi’y nananabik na mapagmasdan ang misteryosong lalaki.

Malalaki ang hakbang niya. Pagdating sa corridor kung saan tanaw na niya ang bench at ang nasa paligid nito, bigla siyang natigilan.

Walang big bike sa parking area. Bakit kaya? Baka absent siya ngayon. Or umuwi na siya. Paano kung biglang bumalik?

Parang batang nakikipag-argumento si Maya sa sarili bago nagpatuloy humakbang. Kailangan niyang dumiretso sa bench hindi dahil doon siya dadaanan ng nobyo kundi dahil doon siya mas mapapansin nitong very good-looking guy.

Sobra ang nararamdamang challenge ni Maya. Subok na niya ang karisma ng kanyang kagandahan. Pero sa lalaking iyon, bakit walang epekto ang kanyang pagpapa-tweetums?

At talagang wala. Walang good-looking guy na bumalik. Hanggang dumating na si Stew, parang ang bigat ng mga paa ni Maya; parang ayaw pa niyang umuwi, gusto pang maghintay ng kaunting sandali; umaasa pa ring may isang magbabalik; may magandang mangyayari sa araw na iyon.

Gayunman, pinilit niyang maging masaya para kay Stew. Sa loob ng kotse, sinimulan niya ang usapan tungkol sa mga napanood nilang comedy films. Pati na rin mga nakatutuwang cartoon characters, isinama nila sa kuwentuhan. Kaya sa haba ng biyahe hanggang naiuwi na siya ng nobyo, walang patid ang kanilang tawanan.

“MAY uupa na riyan sa kabila.” Masayang ibinalita ng tiyahin pag-alis ni Stew. Ang tinutukoy nito ay ang kasunod na pinto ng kanilang duplex. Matagal nang nabakante ito, halos isang taon nang walang umuupa rito.

“Mukha po ba’ng good-payor na mag-anak? Baka awayera na naman ang asawa tuwing sisingilin natin ng house rental, tulad ng huling tumira riyan.”

“Mag-isa lang siya. Binata at mukha namang mabait. Balik-bayan daw siya. Mistiso’t inglesero pero marunong magtagalog. Dinala na niya ang mga gamit niya pero bukas pa raw siya ng umaga mag-uumpisang tumira riyan. Kaya bukas ko na siya pa-pipirmahin ng kontrata.

“Mag-isa? Up&down ang paupahan natin, sobrang laki kung wala siyang kasama. Bakit naman kaya ‘yan pa ang nagustuhan niyang upahan?”

Aba, ewan ko. Ang nakatutuwa pa, ‘yong FX na naghatid ng binder mo, ‘yon din ang nag-service sa kanya kanina.

KINAUMAGAHAN, ginising si Maya ng tatlong malalakas na doorbell. Sumilip siya sa bintana. Naroon na ang tiya, apurado sa pagbukas ng gate. At maya-maya pa, bumulaga kay Maya ang big bike, sakay ang misteryosong lalaki.

CHAPTER 5

“Mabuti nama’t gising ka na,” ika ng tiya kay Maya na inaayos na ang sarili sa harap ng salamin. “Dalian mo’t sumunod ka na sa ibaba. Dumating na ‘yong mangungupahan, si… Syubart daw ang pangalan niya. Niyaya ko siyang saluhan tayo sa almusal.”

Hindi na tumugon si Maya. Hindi na niya inayos ang pinaghigaan. Ang immediate ay ang kaniyang personal glamour; paano palulutangin ang natural niyang kagandahan.

Ilang ulit niyang inayos at binago ang hairstyle; ilang ulit na nagpalit ng damit; hindi mapakali. Ang mga yabag ng tiyahing pababa na sa hagdan, sumasabay sa humihina-lumalakas na kalabog sa kanyang dibdib. Nag-uumapaw siya sa saya at pananabik.

Sa sala sa ibaba, mahaba-haba na ang kuwentuhan ng auntie Lucy at ng bisita sa paghihintay kay Maya. At saglit pa, heto na rin ang dalaga, pumapanaog na: sa yellow- green na long-dress, lalong tumingkad ang maputi’t makinis niyang kutis; nagsasanib ang kulay ng peach niyang sinelas at ng pinkish niyang mga sakong at mga daliri sa paa; naka-ribbon ang lampas-balikat na buhok kaya naman lantad ang heart-shaped niyang noo at balbong batok; ang walang lipstick niyang mga labi ay binasa ng dila kaya kumintab ang likas na kapulahan ng mga iyon.

Bago ang ika-huling baitang ng hagdan, natigilan sa paghakbang si Maya. Paano’y nilingon na siya ng lalaki at ibinunggo ang paningin nito sa kanyang mga mata.

Saglit lang iyon ¾ pagtitig na para bang sumakop sa buong pagkatao niya at tumagos sa kanyang kaloob-looban. Pakiramdam niya’y saglit na umidlip ang daigdig at silang dalawa lamang ang nanatiling gising kung saan ang kanilang mga kaluluwa ay nagtatalaban.

“Siya ang pamangkin ko, si Maya,” pakilala ng tiyahin.

Tila naalimpungatan ang lalaki, agad ibinalik ang tingin sa kaharap ngunit muling sinulyapan ang papalapit nang dalagang walang kolorete sa mukha; walang suot na alahas; violet na laso sa buhok ang tanging accessory; simpleng-simple ngunit…babaeng-babae.

“GUSTO mo ba Syubart ng coffee o hot chocolate?” tanong ng tiyahin nang magkakaharap na silang tatlo sa dining table.

“This juice will do, ma’m. Thank you po,” tugon ng lalaki kasabay ng pagturo ng hawak niyang kutsara sa pitsel ng orange juice sa ibabaw ng mesa. Itinuloy niya ang pagsubo ng sopas bago magalang na inginiti ang, “Schubert po.”

“Syubert pala, dinig ko kasi’y…wag mo na ko’ng tawaging ma’m. Auntie na lang ,ha. Teka’t gagawa ako ng kape, mahina na ang tiyan ko sa malamig na juice sa umaga.” Tumayo ang tiyahin papuntang kusina kaya nakaramdam ng nerbiyos si Maya.

Ngayon, silang dalawa na lang ng bisita ang naiwang magkaharap. Gustong-gusto niyang pagmasdan ang ka-gwapuhan ng lalaki. Gayundi’y gusto niyang i-display sa lalaking ito ang kanyang kagandahan ngunit di niya mai-angat ang mukha sa pagkaka-dungo habang humihigop din ng soup.

“Ibang klase talaga, matindi. Ano ba’ng meron ang lalaking ito na humihigop sa aking energy?” bulong ni Maya sa sarili.

Nanatili silang walang imikan. Maging ang mga kobyertos nila, walang ka-ingay-ingay. Tanging ugong ng coffee maker sa kusina ang maririnig.

“Bakit ba hindi siya ang mag-start ng conversation, siya naman ang lalaki?” muli niya sa isip. “Sabagay bisita nga pala siya, ako ang host.”

Alam ni Maya, kung mananatili silang tahimik, mahahalata ng lalaki na nanlalambot siya sa hiya.

“How does it is spelled…’yong pangalan mo?” naglakas-loob na siya.

“S,C,H,U,B,E,R,T,” mabilis na ibinaybay ng lalaki habang tinititigan na naman ang mga mata ni Maya.

Upang mai-iwas ng dalaga ang tingin, sinalinan niya ng juice ang kanyang baso pati ang sa lalaki.

“French name?” itinuloy na niya ang nasimulang usapan.

“German,” malambing na inginiti ng lalaki. “Kasi my mom, when she’s conceiving me…how do you call that, naglilihi di’ba?”

Tumango si Maya at nagpatuloy ang lalaki.

“She was addicted daw sa mga piano pieces ni Franz Schubert, German composer, classic. So, I was named after him.”

“Akala ko sasabihin mo, your mom’s a German,” bahagyang ngisi ni Maya. “You look such, eh.” Biglang naging palagay ang loob niya at kampanteng nagbiro.

“Actually you’re right. I mean…not my mom, si daddy half German yet, an Ilonggo.”

“Talaga, how’s that?”

“Full blooded German si lolo. My lola, a Spanish-Filipina. They settled in Bacolod ang my dad was born and raised there. Si mommy, no Filipino blood at all. She’s a Chinese-American born in Malate.

“So, small part lang pala ang Pinoy blood mo?”

“Exactly. I’m a Pinoy partly by blood.A tourist in my native land.”

“You’re a…”

“Canadian citizen. I was born here in Philippines and migrated to Canada.”
“Pero sabi mo kahapon, you can speak and understand Tagalog di’ba?”sabad ng kararating na tiyahin, bitbit ang tasa ng kape.

“Opo, I understand Tagalog and at least can speak it. Malaki po ang Filipino community sa Toronto, most of my neighbors are kababayan.”

“Curious lang ako, bakit ka pa nag-rent? Wala ka ba’ng relatives na matutuluyan dito sa Pilipinas?” usisa ni Maya.

“Marami sa Bacolod. Pero may sine-settle ako dito sa Metro Manila, naiwang property ng parents ko.”

“And after it is settled, are you going back to Canada?” muli ni Maya.

Hindi agad nakasagot ang lalaki. Dalawang ulit lumagok ng juice bago nagsalita,

“Frankly speaking, I don’t want to be in Canada anymore. Yet, wala akong malinaw na dahilan to stay in your country. Still I’m looking for a perfect reason why do I need to be a Filipino citizen again. And I only have few weeks to decide, ilang linggo na lang ang natitira sa effectivity ng visa ko.”

“Maitanong ko lang, di ko natanong kahapon eh. Pa’no mo nalaman itong paupahan natin,” usisa ng tiya.

HINDI na narinig ni Maya ang isinagot ng lalaki. Nag-ring kasi ang cellphone niyang naiwan sa itaas kaya patakbo niyang inakyat ang kuwarto.

“Hello, my honey-darling-fruitcake-baby Maya,” namamalat pa ang boses ni Stew sa cellphone, halatang bagong gising.

Matagal silang nag-usap ng nobya kaya pagbalik ng dalaga sa ibaba, mga hugasan na ang inaatupag ng tiyahin at wala na rin ang bisita.

Wala na siyang ganang ubusin pa ang naiwan niyang sopas na natatakpan na ng platito. Dumampot na lang siya ng atis sa fruit tray sa mesa, inalisan ng takip ang sopas at pinagluwaan ng mga buto.

“Anong oras po siya naghakot ng mga gamit kahapon?” baling niya sa tiyahing nasa lababo.

“Pagka-pananghali. Mga ala-una siguro.”

Napagtanto ni Maya, kaya wala sa university ang lalaki kahapon ay dahilnaglipat ito ng mga gamit sa kanilang paupahan.

Kanina, gusto niyang sabihin sa lalaki na isang linggo na niya itong napapansin sa campus ngunit nag-alangan siya. Nahihiya siyang malaman ng lalaki na interesadong-interesado siya rito’t araw-araw ay nag-aantabay.

“Pa’no raw po niya natunton itong duplex natin?” muli niyang tanong.

“Naging pasahero raw siya n’ong… ‘yong FX na naghatid ng binder mo. Nagtanong daw siya kung may alam na mauupahang apartment ‘yong driver. Napansin pala ng driver ang paskil nating for rent sa labas n’ong gabing hinatid niya ang gamit mo. Kaya ‘yon, siya mismo ang naghatid kay Syubert dito.”

“28 years old na pala siya. Di halata ‘no? Baby face kasi, mukha lang siyang malaking bulas na dise-siyete anyos. Graduate pala siya ng advertising sa Canada pero naka-enroll daw uli siya ngayon, crash-course daw sa music. Aba’t nagkataon pa’ng doon din sa eskwelahan mo.” Over excited ang tiya habang nagkukuwento.

Kunwa’y nagulat din si Maya, hindi na sinabing alam na niya ang tungkol dito.

“Dalhan mo nga pala siya ng bedsheet, samahan mo na rin ng mga unan. Sinabi ko sa kanyang pahihiramin natin siya. Susunod din ako roo’t tulungan natin siyang magpagpag ng mga agiw at alikabok,” pag-iibang tema ng tiya.

DINATNAN ni Mayang nakabukas ang pinto ng kanilang paupahan. Humakbang siya ng dalawa papasok. Bahagyang umatras saka kumatok.

“Come in. I’m upstairs,” malakas na sinabi ng lalaki.

Pumanik si Maya at nalamang wala nang lilinisin pa sa itaas. Halos di siya makapaniwang ganoon kabilis magtrabaho itong lalaki. Nilalagay na nito ang mga bihisan sa kabinet.

“I brought you these,” inilapag ni Maya ang bedsheet at tatlong unan sa kamang walang sapin. Kama ito ng huling nangupahan doon, iniwan kasama ang kabinet bilang kabayaran sa pagkaka-utang sa renta.

“Oh, thanks a lot..no just put it there. Ill fix that later,”pigil ng lalaki kay Maya na ikinakabit na ang bedsheet.

“Okay lang. It’s a woman’s chore, baduy for you to do these,” ani Maya na tuloy sa paglalagay ng kobre-kama.

“Are you saying that you are meant only for menial work? That’s an old concept ‘bout women.”

Hindi na nangatwiran si Maya. Iniba na lamang niya ang usapan, “We’re in the same university pala ‘no?”

“Sabi nga ng auntie mo. And I was surprised.”

“Crash course sa music? Ano’ng instrument?”

“MWF for guitar lesson, TThS for flute. In what department are you?”

“Engineering, katabi ng college of music.”

“Wow! But we have’nt met there. Well, 30 minutes lang kasi ako every session eh. Half an hour per day.”

Natiyak ni Maya, hindi nga siya napapansin nitong lalaki sa bawat araw niyang pag-upo sa bench ng campus.

KINAGABIHAN, naka-focus si Maya sa pagre-review sa kanyang kuwarto. Pagod na ang mga mata sa pagbabasa pero kailangan niyang magpatuloy, nalalapit na kasi ang kanyang final exams.

Nang makaramdam ng pintig sa ulo at halos di na ma-absorb ng utak ang inaaral, ipinikit niya muna ang mga mata.

Sa pagkakataong iyon, may naulinigan siyang musika ngunit nanatili siyang nakapikit.

Napaka-lambing ng musikang iyon.

It soothes and refresh her mind

Dahan-dahang nakapagpa-paginhawa ng pakiramdam

Na-distinguise niyang tunog iyon ng classical guitar, hindi radyo. At nasa malapit lang iyon. Kaya bigla siyang tumayo sa kinauupuang silya, ibinukas nang husto ang salamin ng bintana saka dumungaw.

Magka-hilera ang bintana ng kuwarto niya at ang bintana ng paupahan nilang up&down kaya natanaw niya si Schubert sa kabila, naka-upo sa maliit na espasyo’t nakasandal sa grills ng nakabukas ding salamin ng bintana at kumakalabit ng gitara.

HINDI na nagsara ng bintana si Maya nang gabing iyon. Hindi na rin niya itinuloy ang pagre-review. Humiga na lang siya sa kama ngunit hindi para matulog kundi upang mangarap:

Ang guitar instrumental na iyon ay alay sa kanya…

Ni Schubert…ah, ang misteryosong si Schubert.

Bakit ba naaaliw siya sa ilusyong naaakit sa kanya…

Si Schubert… ang tila multong sumulpot na si Schubert.

Bakit kaya sa mga sandaling iyon, nararamdaman niyang si Schubert…

Ay ihiibig na niya.

CHAPTER 6

“Kapit-kwarto na, campus mate pa. At araw-araw, after class mo, after class din niya? Ang galing naman yata n’on?” ngisi ni Stew sa nobya na nakasalampak sa ibabaw ng harapan ng kotse.

Ikinuwento na kasi ng dalaga sa nobyo ang ilang detalye ukol kay Schubert, kinabukasan nang daanan siya ni Stew sa bench upang ihatid na naman pauwi.

“Chances are,” kibit balikat ni Maya.

“Mere chance? Magkaka-ugnay na tsamba sa tatlong bagay? Kalokohan! Tingin ko, stalker mo siya, noon ka pa sinusundan-sundan. Uyy…,” panunukso ni Stew habang nakatayo sa tabi ng nobya.

“Every breath you take with every move you make…I’ll be watching you,” humahagikgik na kinanta ng binata.

Ilang minuto lang, natanaw na nila si Schubert na sumampa na sa nakaparadang motorsiklo.

“Schubert,” malakas na tawag ng dalaga sabay wagayway ng kamay.

Inilapit ni Schubert ang bike sa magnobyo.

“I told him already about you. He is Stew,” ani Maya.

Hindi kuntento si Stew sa pagpapakilala ng nobya kaya dinagdagan niya, “His boyfriend,” at hinawakan ng kaliwa ang kamay ni Maya bago inabot ang kanan kay Schubert.

Binalot ng pangamba si Stew ngayong kaharap niya ang lalaking ito. Bigla na lang nag-init ang dugo niya sa maamong mukha ni Schubert, samantalang kani-kanina lang, aliw na aliw siyang itukso ito sa nobya.

Kinakabahan siya para kay Maya. Alam niya at di niya itinatanggi sa sarili…nai-insecure siya.

“How doyou do, pare?” bati ni Schubert habang nakikipag-shakehands.

“We’re fine,” di ngumingiting sagot ni Stew at bahagyang itinaas ang magkahawak nilang kamay ni Maya. “I Was told you were named after Franz Schubert?”

“The German composer, I was told also,” sabad ni Maya.

Mali ka d’yan iha,” pinisil ni Stew ang ilong ng nobya. “Sino’ng nagturo sa’yo ng maling information na’yan?”

Nilingon ni Maya si Schubert. Natuwa naman si Stew sa pagkaka-unawang kay Schubert nanggaling ang impormasyon na iyon.

“Franz Schubert’s a Vienese. He was born in Viena, Austria late seventeen hundreds…Austria is known as the music capital of the world. Anyway, magkarugtong naman ang Austria’t Germany. O, ngayon alam mo na iha?” iba ang mga ngisi ng nobyo, sa palagay niya’y naka-puntos siya at naipahiya niya si Schubert sa harap ni Maya.

“Are you familiar with Houston Stewart Chamberlain?” baling ni Stew kay Schubert.

Umiling si Schubert at nagpatuloy si Stew na tila ba nagle-lecture sa isang estudyante,

“He’s a Germanized Englishman political figure who popularized the Aryan myth in Germany at the turn of the 20th century. Siguro naman alam mo what the Aryan myth is about?”

Nanatiling walang tugon si Schubert. Tuloy naman sa kadaldalan si Stew.

“Of course, you know that. Napaka-bobo mo na kung hindi mo kilala si Adolf Hitler and his philosophy of racial myth…the Germanic race as the superior race among all race, sabi niya…according to some history teacher.”

“Where in fact, hindi siya ang nagsabi n’on, si Stewart Chamberlain. He is my father’s idol kaya ipinangalan ako sa kanya…Ganyan dapat. Dapat alam mo’ng life-story ng taong pinagkopyahan ng pangalan mo,” kumamot-kamot pa ng ulo si Stew.

“I admit,” saka pa lamang nagsalita si Schubert. “I’m not much oriented about Franz Schubert, all I know is that he speaks German and got famous in Germany,” dugtong pa niya na hindi man lang kakikitaan ng iritableng facial expression.

“So handsome. So gigantic,” iba ang isinagot ni Stew habang nakikipagtitigan sa lalaki, “Your big bike, that is.” Ibinaling niya ang tingin sa motorsiklo. Talagang pilit niyang pinipika ang kaharap.

Pilit ang ngiti sa mukha ni Schubert kaya kinurot ni Maya ang likod ng nobyo saka nagsalita, “He’s a funny man, you know, palabiro, makulit.”

“No, I’m serious lalo na when I’m beside my beautiful lady. And you’re very good looking also. Bagay nga kayo eh…ng motor mo,” muling insulto ni Stew sa kaharap.

“So pogi, so malaki, so…you’re a French-speaking, right?” patuloy ni Stew.

“I’m from Toronto, not Quebec,” sagot ni Schubert.

“I see.” At bumaling ang nobyo kay Maya, “Quebec’s a French-speaking Canadian region. It was then invaded by France.”

Ang motibo ni Stew ay hindi bigyan ng karagdagang kaalaman ang dalaga, kundi upang ipangalandakan kay Schubert na siya ay isang information-loaded person.

Ibinalik niya ang tingin kay Schubert at sa motorsiklo, “So pogi, so malaki, so…so, you’re going home now, don’t you?” ika pa niya na halatang pinagtutulakan na ang kausap.

“Pinag-iisipan ko pa,” sagot ni Schubert.

“You mean, you want to linger here and mingle with us?” iba na ang timbre ng boses ni Stew.

“Ha ha ha…I got it. Okay, I’ll leave you in peace.” Isinuot na ni Schubert ang helmet.

Binigyan ni Maya ng nanlilisik na titig ang nobyo at agad naman itong naintindihan ng lalaki. Alam niya na ang katumbas ng mga titig na iyon ay mga katagang pinagdududahan mo ba ako? at ang baba naman ng tingin mo sa’kin!

Kailangan niyang ipadama sa nobya na malaki ang tiwala niya rito kaya nagpasya na siya.

“Sandali pare,” pigil niya kay Schubert na nakahanda nang paandarin ang sasakyan. “Can you please drive my girlfriend home?”

“Ha? I’m not going home this time. Later pa siguro,” gulat na nagpaliwanag si Schubert.

“Yes you are. I beg you.”

“But…”

“Please.”

“Sure,”di na nakatanggi si Schubert sa pagpupumilit ni Stew.

Muling tinitigan ng dalaga ang nobyo ngunit hindi na galit kundi pagtataka.

“Sige na, may schedule kasi akong research ngayon. Plano ko kanina, i-cancel na lang. Pero andito naman na si Schubert. I thank god for him,” alibi ni Schubert sa dalaga.

Tatanggi pa sana si Maya at sasabihing mamamasahe na lang siya pero binuhat na siya ng boyfriend mula sa ibabaw ng kotse at ini-angkas sa likod ng motorsiklo.

“You saved my day, pare,” tinapik ni Stew sa balikat si Schubert.That’s the way I am. Habbit ko na ang mang-inis at mamikon. Alam ko masasanay ka rin sa’kin,” nakatawa niyang dugtong.

Umamba ng paalam na yakap si Maya kay Stew ngunit halik sa labi ang ibinigay ng boyfriend. At bago patakbuhin ni Schubert ang bike, nagpahabol pa ng salita si Stew, “I trusts strangers all much, pare. And you are a stranger to me. Take good care… of my Maya…and of my trusts.”

Hinubad ni Schubert ang helmet at akmang isusuot kay Maya ngunit dahil sa mapaghinalang mata ni Stew, isinabit na lamang niya ito sa manibela kaya parehong hubad ang mga ulo nila ni Maya nang paandarin niya ang motorsiklo.

HININTO ni Schubert ang sasakyan sa mall. Pumasok sila sa tindahan ng auto accessories at binilhan niya ng helmet si Maya.

Panibagong kilig na naman ang nadama ni Maya. Iniisip niyang ang helmet na iyon ay pagpapa-kahulugan ng lalaki na mauulit at mauulit ang pag-angkas niya sa big bike nito.

Nang naglalakad na sila pala palabas ng mall, ilang ulit nilingon ng lalaki ang nadaanan nilang liquor shop.

“You want to buy some?” tanong ni Maya.

“Tomorrow na lang.”

“Nandito na tayo, carry on. Di naman ako nagmamadali.”

“Alam mo, your boyfriend got it wrong, eh. 60TH birthday ng ninang ko ngayon. Once ko pa lang siya napasyalan since I came back to Philippines. And that’s what I’m thinking kanina when I said pinag-iisipan ko pa. I was thinking kung today ako dadalaw or tomorrow night na lang. Tomorrow kasi darating ang youngest son niya from Singapore. He was my playmate and we never see each other since I went t Canada.”

“Ngayon ang araw ng celebrant, ngayon ka pumunta. Then balikan mo bukas ‘yong darating from Singapore.”

“And you?”

“Naku, maraming bus at taxi sa labas.”

“No, I assured your boyfriend. I’ll bring you home.”

Alam ni Maya na magmamatigas itong lalaki na ihatid siya dahil nakapangako na ito kay Stew. Ngunit ayaw naman niyang maging dahilan ng pagka-pornada ng lakad ni Schubert kaya nagdesisyon na siya.

“Ganito na lang: kung okay sa’yo, I’ll go with you muna. Usually naman, late na’ko umuwi. Minsan after dinner pa sa bahay nila Stew sa Pasay bago niya ako ihatid.Sanay na rin si auntie. Teka, s’an ba ‘yon?”

“Tagaytay.”

“Ngee! Sobrang lapit pala.”

“And talagang di pwede. Well, my original plan is just to greet her in person and after a couple of wine, I’ll go home.”

“Sabagay two hours ride lang naman ‘yon from here.”

“One and a half or less. Fast rider ako.”

“C’mon, let’s go.”

Binalikan nila ang tindahan ng mga alak at kumuha si Schubert ng tag-isang bote ng Vermouth at Whiskey. Sumaglit sila sa supermarket at bumili ng Lebanese olives. Martini cocktail ang gusto niyang i-blend pagdating sa tagaytay.

NAPATUNAYAN ni Maya, mabilis nga talagang magpatakbo ng bike si Schubert. Wala lang silang mga helmet kanina kaya katamtaman lamang ang kanilang usad.

Halos di niya namalayang pumapasok na sila sa bayan ng Tagaytay sa tila lumilipad na nilang sasakyan. At maya-maya pa, ang mahalumigmig na hangin at mabababang ulap ay humahalik na sa kanila. At kahit pa may suot na helmet, umaabot sa kanyang pang-amoy ang samyo ng mababangong bulaklak at sari-sari pang mga orchids sa paligid.

May bigla siyang naalala:

Ang tagpong iyon…naranasan na niya…ganoong-ganoon.

Pero may kulang…

“Sandalis, stop it!” malakas niyang sigaw na pautos kay Schubert at hininto naman ng lalaki ang bike.

Kinuha ni Maya ang laging dalang diskman sa loob ng kanyang knapsack. Ikinabit ito sa tainga at muling isinuot ang helmet saka sinabing, “Go ahead as fast as you can.” At may kalandiang idinugtong ang: “I like it!”

Pinaharurot nga ni Schubert ang motorsiklo nang higit pa sa tulin ng takbo nila kanina kaya napayakap nang mas mahigpit ang dalaga sa kanya.

KILIG to the bone si Maya. Feel na feel niya na ang eksenang iyon has no difference to some scene from the movie Top Gun in which Tom Cruise and his leading lady are riding on a motorcycle while the song Take My Breath Away is being played.

Tiyak na tiyak si Maya, ang tagpong iyon ay naipahiwatig na sa kanya sa panaginip: lumilipad na sasakyan; mahalumigmig na hangin; mababangong bulaklak; mataas na bundok; magandang musika; abot-kamay na ulap at…yakap-yakap na multo.

“A, kung multo ka man Schubert, di ako natatakot dahil ikaw ang katangi-tanging multong may mainit na katawan,” bulong ni Maya sa isip. “Kung multo ka ngang talaga’t naririnig ang sinasabi ng isip ko…ay sinasabi ko sa’yo ngayon; napakasarap mo’ng yakapin!”

BUMAGAL ang andar nila pagpasok sa malapad na pathway sa gitna ng malawak na taniman ng pinya. Huminto sila sa hangganan nito, isang bungalow na gawa sa modern architecture.

Nang mai-park ni Schubert ang bike sa tabi ng bagong top-down model na kotseng Porche, humakbang na sila ni Maya papasok sa bungalow. Pagdating sa veranda, narinig nila ang halakhakan ng mga dalagitang naglalaro ng table-tennis sa di-kalayuang garden.

Di namalayan ng mga ito ang pagdating nila. Pinanuod muna ni Maya ang mga dalagitang ito at alam agad ni Maya, sila ay mga katulong dahil sa suot na uniporme.

“Mabait ang ninang mo, I’m sure,” ani Maya. “Imagine, malayang nakapag-lalaro ang mga maids, may naka-provide pa’ng palaruan.”

“Even their schooling is provided by my ninang. They are highschool students.”

“How impressive! Mabait nga talaga siya.”

“Mabait? Look at their attire.”

“Maganda naman ang uniform nila a.”

“Maganda ba’ng I-classify ang kapwa according to their ranks? Here is the point: naka-uniform sila para ma-distinguise agad ng visitors that their not family members but housemaids and nothing but housemaids!”

Karagdagang attraction na naman ang naramdaman ni Maya sa lalaki. Hanga siya sa pakiki-simpatya nito sa mga binansagang low-class citizens.

“Galit ka pala sa ninang mo?”

“Yes but I love her very much. Ganyan ang pagmamahal di’ba? If we love somebody, we love even their very defects.”

HINDI na hinintay ni Schubert na kusang magising ang natutulog niyang ninang. Pinasok na niya ang silid nito at siya na mismo ang nanggising. Masayang-masaya naman ang ginang sa pagdating ng inaanak.

“So, she’s your…,” sinalubong ng ngiti ng ginang si Maya paglabas nilang mag-ninang sa silid.

“No, she’s my land-ladies niece.”

“And soon to be your…”

“It can’t be, I arrived too late. Ha ha…”

Natutuwa si Maya na di na nahihiyang magbiro nang ganoon si Schubert sa harap niya. Sa maikling oras na magka-angkas sila sa motorsiklo, palagay na ang loob nila sa isa’t isa.

Parang may panghihinayang na naramdaman ang dalaga. Oo, late dumating si Schubert pero hindi naman huling-huli. Ilang oras lang ang pagitan nang sagutin niya si Stew at ang pagkakatagpo niya kay Schubert sa campus.

SI Schubert at Maya na ang kumuha ng mga pagkaing naka-prepare na sa dining table. Dinala nila ang mga ito sa receiving room saka tinawag ng binata ang mga maids upang makasama nila at ng kanyang ninang sa salu-salo.

Halos lumuwa ang mga mata ni Maya sa ka-garbohan ng receiving room na ito. Puro salamin ang dingding nito, over-looking Taal volcano.

“This is used to be ours,” sabi ni Schubert kay Maya.

“One of his parents properties. They sold it to me before they’ve gone to Canada, dugtong ng ninang.

“And re-modeled to it’s new architecture. Si ninang kasi, she likes everything that’s new and fashionable. Tulad ng kotse niyang top-down kahit di bagay sa edad niyang gurang. Ha ha ha…”

“But she remained loyal to classical music,” patuloy pa rin ni Schubert. “She taught me how to play piano when I was a kid. She’s better than my mom.”

Kinuha ni Schubert ang flute sa kanyang bag kasama ang music note sheet na inabot niya sa ninang, “Birthday gift. My composition before I left Canada.”

Tinugtog ito ng ninang sa piano at isinaliw naman ng binata ang kanyang flute.

Napaka-sweet ng musikang iyon kaya heto na naman si Maya, lumilipad ang diwa. Pakiramdam niya’y ibinubuhos ni Schubert ang kaluluwa nito sa kanya…at sa kanya lamang. Ang musikang iyon ay di regalo sa ninang kundi sa kanya…basta sa kanya lang.

“YOUR turn, iha. Kanta ka,” baling ng ninang kay Maya matapos ang mahabang pagtugtog. Ngunit umiling ang dalaga.

“Sige na,” kantiyaw ng binata. “One last glass muna then uwi na tayo…after your song.” Binuhusan niya ang baso ni Maya ng Martini.

Pang-apat na shot na ito ng dalaga, inubos niyang lagok. Medyo tinamaan na siya at di na rin nahiyang kumanta.

Hindi kagandahan ang boses niya ngunit punong-puno ng emosyon niyang kinanta ang You Should Know By Now samantalang si Stew naman ang umupo sa piano.

Matapos siyang palakpakan ng lahat ng naroroon, nagpaalam na rin sila ni Schubert.

“Magaling ka naman pala sa instruments. Last night I heard you playing guitar. Ba’t nag-enroll ka pa sa crash course?” tanong ni Maya sa binata nang naglalakad na sila sa veranda.

“I have another purpose,” sagot ng binata.

“Ha, what is it?” pigil ang hininga ni Maya, nag-assume agad na siya ang purpose ni Schubert sa university; na sinusundan siya nito.

“I just want to reminisce my past. I spent my grade one in that university…not the whole year, until third grading period only. Sinundo ako ni mommy after class. And that was my last day in the Philippines…we did fly to Canada. Napahiya si Maya sa sarili sa sinabing ito ng lalaki.

PASADO alas sais ng gabi nang marating nila ang Kamaynilaan. Maaga pa ito para kay Maya, hindi pa mag-aalala ang kanyang auntie Lucy lalo na’t matulin ang motorsiklo ni Schubert. Lamang, heavy traffic ang lansangan kaya natatakot siyang baka gabihin nang husto bago makarating ng bahay.

Nangyari nga ang kinatatakutan niya. Ginabi sila nang husto at hindi makapag-paharurot si Schubert ng bike dahil gitgitan ang mga sasakyan sa lansangan.

Parang iiyak na si Maya sa kaba. Baka sa kauna-unahang pagkakataon ay masampal siya ng tiya lalo pa’t si Schubert ang kasama niya, hindi si Stew. At si Stew, paano kung malaman niya ito, tuluyan nang bababa ang tingin nito sa kanya; iisipin nito na may kahindik-hindik na nangyari sa kanilang dalawa ni Schubert.

Ang nagsasalimbayang mga ilaw at pagbusina ng mga sasakyan, pakiramdam niya’y mga nanlilisk na mga mata ng nobyo habang ibinubulyaw ang mga katagang: Malandi! Kiri! Garutay!

Napaliligiran sila ng mga nakahinto ring sasakyan kaya yumapos na lamang siya kay Schubert, mas mahigpit kaysa sa pagkakayakap niya kaninang ubod-tulin pa ang kanilang takbo.

Ah, sana ay huwag na’ng matapos ang gabing iyon.

Ang gabing iyon, sana ay katumbas ng habampanahon

Sana ay wala na’ng mamaya at bukas…

Dahil susumbatan siya ng mamaya at bukas

Sana ay huminto na ang oras…sa kanilang dalawa…

Sa kanilang dalawa lamang

CHAPTER 7

HALF past eleven pm nang marating nila ang bahay. Bahagyang nakabukas ang gate at parang sinabuyan ng nagyeyelong tubig ang buong katawan ni Maya nang makitang nakaharang doon ang kotse ng boyfriend.

Hinanda na niya ang sarili. Magtataas na siya ng boses o kung kinakailangan ay manigaw kahit pa sa auntie Lucy niya kung ang isasalubong nito ay mga maaanghang na salita o kaya’y mga mapanlait na pangungusap galing kaya Stew. Kailangan niyang gawin ito upang maiwasan ang mga pag-usisa.

HINDI na muna ipinasok ni Schubert ang bike. Sumunod na lang siya kay Maya na dire-diretso sa loob ng gate at sa naka-bukas ding pinto ng bahay sa itaas ng tatlong baitanging terrace.

“Andito na sila, auntie. Uuwi na rin ako.” tumayo na si Stew sa kinau-upuang sofa pagpasok ng girlfriend.

“Wag n’yo na po itong paalisin ng bahay bukas,” patuloy nito sabay baling kay Maya. “University foundation day bukas, di compulsory ang attendance. I’ll be here again tomorrow and please bati na tayo ha. Sinabi ko na kay auntie, no need to explain. Pahinga ka na.”

“Mabuti nama’t may maiiwang tao rito sa bahay. Mag-go-grocery ako bukas, ubos na mga de-lata natin.” Ika ng tiya.

Bago tuluyang umalis, niyakap ni Stew hindi ang nobya kundi si Schubert na nakatayo sa pintuan sabay bigkas ng, “Thanks a lot, pare. And my apology dahil naabala kita nang husto.”

Napaka-sigla at napaka-malumanay ni Stew, nagtataka si Maya. Hindi ganito ang inaasahan niyang daratnan. Oo, nainis siya rito kanina pero wala naman silang pinag-awayan upang ihingi nito ng pakikipag-bati. Bakit kaya nagpasalamat at humingi ito ng apology kay Schubert sa halip na magmura o kaya’y bigla na lamang manuntok?

At ang auntie Lucy, bakit hindi galit at di nagtanong ng anuman? Ano kaya ang sinabi rito ng nobyo na di na kailangan ng paliwanag mula kay Maya?

KINABUKASAN, dinatnan ni Stew na nag-iisa si Maya sa bahay. Inabutan niya itong nagdidilig ng mga naka-pasong halaman sa terrace. Walang panloob ang suot na t-shirt kaya bakat ang kurba ng tayong-tayo nitong boobs. Shorts ang pang-ibaba kaya litaw ang makinis at maputing mga binti’t hita.

“Displaying something? For whom?” ini-lapit ni Stew ang labi ngunit pisngi lamang ang ini-abot ng dalaga na hindi man lang nilingon ang nobyo sa kanyang likuran.

Matamlay si Maya, alam ni Stew na wala itong gana sa ganitong klase ng biro. Kaya agad siyang niyapos ng nobyo saka isinugpon ang, “Syempre sa’kin, alam mo’ng darating ako eh. And you’re trying to seduce me now, don’t you? He he…”

“Stew, di mo ba tatanungin kung s’an kami galing at ba’t late na kami umuwi kagabi?” kumawala si Maya sa mga braso ng lalaki.

“Kahapon ko lang nalaman, mahusay pala ako’ng mag-fabricate ng kuwento,” iba ang isinagot ni Stew. “Sabi ko kay auntie, nagtampuhan tayo kahapon at ayaw mo’ng ihatid kita.”

“Di mo ba’ko tatanungin?” muli ng nobya.

“At gusto mo’ng magpa-gabi sa campus kaya pinaki-usapan ko si Schubert na bantayan ka’t isabay na pauwi.”

“Di mo ba’ko tatanungin?” mataas na ang boses ni Maya.

“Hoy tisoy,” sigaw ni Stew kay Schubert na di naman niya tiyak kung naroon nga ito sa loob ng inuupahang kuwarto. “I’m sure you’ve heard my story, sinadya kong lakasan para marinig mo. Don’t skip a singler detail, ha. Be consistent just in case tanungin ka ng auntie ni Maya!”

“Stew, ayaw mo ba’ng alamin ang talagang nangyari? Di mo ba’ko hihingan ng paliwanag?” nagngingitngit na sa galit ang dalaga.

“Bakit pa?” nagtaas na rin ng boses ni Stew.

“Maya…” biglang baba ng boses nito. “Kung anuman ‘yon’ wag na nating pag-usapan. Mali man ang nangyari, mahal na mahal pa rin kita. Ipangako mo lang na tayo pa ring dalawa,” nagsusumamong tinig ng nobyo habang hinahaplos ang mukha ng dalaga.

“Gago!” hinawi ni Maya ang mga palad ni Stew sa kanyang pisngi. “Yon nga talaga ang iniisip mo. Gusto mo ng patunay? Doon tayo sa kuwarto ko then let’s do it. And prove to your self that my pussy could still bleed.” Hinila ng dalaga ang nobyo ngunit di natinag ang binata sa kinatatayuan.

“Maya, Maya…alam mo’ng di ko gagawin ‘yon. Gustong-gusto ko pero di ko gagawin only to check your virginity.”

Lumabas na rin si Schubert na kanina pa pala nagmamatyag sa loob ng kanyang kuwarto. “Stew, pare, your line of thinking is quite wrong,” bungad nito.

“You better shut up,” matigas na sabi ni Stew at dinuro-duro ang mukha ni Schubert.

“We’ve done no wrong, we’ve just…”

“Sabing isara mo bibig mo eh!” Sumugod na si Stew at umakmang lalamukusin ang nguso ni Schubert.

Agad namang nahawakan ni Schubert ang kamay nito kaya ibinuwelo ni Stew ang isa pang kamao, halos patingkayad upang umabot ang suntok sa mukha ng matangkad na si Schubert. Nasalo uli ito ni Schubert at di na binitiwan kaya sumipa-sipa ang nobyo. Paatras-atras naman si Schubert, hawak pa rin ang mga kamay ng nakakaladkad nang si Stew.

Katawa-tawang pagmasdan si Stew sa tagpong iyon, nawala ang kanyang tikas. Ngunit sa paningin ng nobya, siya ay kahabag-habag. Hindi maatim panoorin ng dalaga na ang tapat at laging nakalaang kaibigang si Stew ay parang paslit na nakikipag-buno sa malaking mama.

“Tama na!” pumagitna na siya sa dalawang lalaki. “Umalis ka na, umalis ka na!” umiyak na siya at tinulak-tulak si Schubert.

Binitiwan naman ni Schubert si Stew at si Maya ay napa-upo na lamang , takip ng mga palad ang mukhang dinadaluyan na ng luha.

“I would learn taekwkondo and beat you down!” parang batang nagbanta si Stew bago lumabas ng gate at pinasibad na ang kotse.

Pumasok na rin si Schubert sa kanyang pinto at paglabas, may bitbit na itong malaking bag at agad sumakay sa motorsiklo.

Tumayo naman si Maya at humarang.

“No, I don’t mean it. You can stay here as long as you want,” nangangatal pa ang tinig niya dahil sa pag-iyak.

“I really have to go.”

“Schubert…I’m sorry. Talagang di kita pinapaalis, nabigla lang ako kanina.”

“I know, I know. But I should be at Tagaytay now, di’ba? My playmate from Singapore, remember?”

Napayapa ang loob ni Maya nang maalalang naka-schedule na nga pala ang lakad ng lalaki. Aalis ito hindi dahil sinigawan niya.

“Don’t forget the fabricated story of Stew, ha. Don’t skip a single detail in case your aunt…you know…ha ha…”

Nahawa si Maya sa pagtawa ng binata. Kahit basa pa ng luha ang mga mata, sumabay na siya sa paghalakhak.

Ibinukas nang husto ni Maya ang gate at pinatakbo na ni Schubert ang bike. Nanatili ang dalaga sa kinatatayuan, sinusundan ng tanaw ang pumapalayong lalaki.

Hindi niya naitanong kung uuwi ba ito mamayang gabi o bukas o sa makalawa o…kailan kaya? At paano kung hindi na?

Papaliit na ito nang papaliit hanggang tuluyan nang nawala sa kanyang paningin. Bakit ba ngayon pa lang ay miss na miss na niya si Schubert.

CHAPTER 8

Ngayon ang last school day ni Maya. Huling araw na niya sa campus at bukas na ang simula ng semestral break.

“How time flies, ‘no?” Parang kahapon lang n’ong magka-kilala tayo sa library.” Initsa ni Stew sa trash-can ang iniinom na beer-in-can at niyaya ang girlfriend, “Let’s take a walk, ikutin natin ang quadrangle.”

Reluctant si Maya na iwanan ang bench, gusto niyang manatili rito kahit abutan pa sila ng dilim. Kung para sa boyfriend ay napaka-bilis lumipas ang mga araw, kay Maya ay napaka-tagal nito dahil sa pagka-inip o higit pa ay pagka-sabik: naiinip siya sa araw-araw na paghihintay; nasasabik sa hinihintay…mahigit tatlong linggo na, maraming araw na ang nagdaan mula nang umagang iyon na umalis si Schubert ng bahay at di na muling nagpakita.

“DITO na lang tayo, wala ako sa mood maglakad,” matamlay na tugon ng dalaga at biglang lingon sa kanan nang may natanaw na rumaragasang motorsiklo sa di-kalayuan.

“Hindi siya ‘yon,” ika ni Stew dahil sa ikinilos ng dalaga. Ilang araw na niyang napupuna ito. Kahit nasa loob sila ng kotse basta may nakasabay o nakasalubong na motorsiklo, lilingon at lilingon si Maya.

“Aminin mo man o hindi, siya talaga ang iniisip mo. You like him a lot, don’t you?” patuloy ng lalaki.

“Pa’no ba’ko aamin e hindi ka naman marunong makinig.”

“Magbigay ka ng patunay na wala kang inililihim, handa akong makinig at paniwalaan ka.”

“Sige,” tinutok ni Maya ang mga mata sa mga mata ng nobyo. “Oo, inaamin ko, I’m falling for Schubert. Pero Stew, buong semester tayo ang magkasama kaya para sa’kin mas mahalaga ka kaysa sa kanya. Hindi ko tiyak basta sa palagay ko, mahal na kita…Pero mas gusto ko siya. Nakukuha mo’ba? Hindi ko na maipaliwanag pa basta intindihin mo na lang…mas mahal kita pero mas gusto ko siya.”

Hindi kumibo ang lalaki kaya nagpatuloy si Maya.

“Siguro naman, sapat nang patunay ‘yon that I’m trustworthy…cause I’m true with my feelings. Kapag sinabi kong totoo ang mga sinasabi ko, maniniwala ka na siguro na talagang totoo iyon kaya maniniwala ka na walang ibang nangyari sa’min noong ginabi kami nang uwi.”

Maaliwalas na ngiti at madiing pisil sa kamay ni Maya ang itinugon ni Stew. Pagpapa-kahulugan niya ito na pinaniniwalaan niyang totoo ang lahat ng sinabi ng girlfriend.

“I’ts pretty good that you’re true with your feelings,” si Stew naman ang nagsalita. “Hirap kang ipaliwanag? Siguro, di mo lang naiintindihan ang nararamdaman mo’ng ‘yan. Susubukan kong ipaintindi sa’yo through my personal reflections.”

Alam ni Maya na mahabang pagtalakay ang gagawin ng nobyo kaya ginawa niyang komportable ang upo at buong atensiyong nakinig.

“I think, di mo pa ako mahal pero papalapit ka na sa ganoong level ng pakiramdam towards me. Syempre, lagi tayong magkasama sa loob ng mahaba-haba na ring panahon eh,” tuloy si Stew.

“Maraming nagsabing magic daw ang pag-ibig, biglang darating at mararamdaman in an unexpected place and time. Hindi ako sampalataya sa paniniwalang ‘yan. Para sa’kin, hindi instant ang pagmamahal; hindi ito instant meal na mabibili sa isang fast-food chain. Tulad ito ng pagkaing tayo mismo ang nagluluto, nilalakasan-hinihinaan ang apoy, tinitimpla-timplahan hanggang mahuli ang masarap na lasa. Parang…karanasan ko sa beer. Noong una, di ko gusto ang lasa, mapait. Kaya lang ako umiinom para tamaan at makatulog nang mahimbing, insomniac ako eh. Hanggang sa katagalan, naging bahagi na ito ng system ko. Gustong-gusto ko na hindi lang ang tama, pati kapaitan nito, hinahanap-hanap na ng panlasa ko.”

“You mean to say, love taste bitter? Ayoko ng mapait,” pakli ng nobya.

“Bitter turned to sweet. Well, my proposition is that…di na natin mababago ang lasa ng pag-ibig. Kaya ang panlasa nating mga naghahangad ng pag-ibig ang kailangang mag-adjust. At sa dulo, magiging magka-singlasa ang mapait at matamis.”

“Wow! Ang lalim n’on ah.”

“Malalim talaga ang pag-ibig. Parang gintong hinuhukay from the core of the earth. Matapos hukayin, sasalain at ihuhulma. Ma-proseso, ma-trabaho.”

“Alam ko rin naman ‘yon, pinagtatrabahuan ang pag-ibig,” ani Maya.

“Right. Pero may isang klase ng pakiramdam. Ito ang instant at totoong magic. Mas mababaw kesa pag-ibig yet, kung tutuusin, mas masarap damhin kesa pag-ibig. I’m talking about the attraction. How good it felt. Lalo na kung inaasahan mo’ng attracted kayo sa isa’t isa. Gusto mo lagi siyang Makita at nag-e-enjoy kang magpa-pansin sa kanya. ‘Yan ang feelings mo towards Schubert. Initial thrill. And because it is initial, it’ll never lasts the way it was. Unless, pagtrabahuan mo ito hanggang maging pag-ibig.”

“Wag ka mag-alala, mas lamang ka sa na-invest na panahon kaysa sa kanya at ikaw na rin ang nagsabi, papalapit na’ko sa malalim na pakiramdam towards you. Hahayaan kong kusang humupa ang feelings ko towards Schubert, it’ll never last di’ba?…Galit ka talaga sa kanya ‘no?”

“Ewan ko bakit gan’on, inis ako sa kanya. Pero di ‘yon tama eh. Di naman niya kasalanan kung ma-attract ka sa kanya. Hayaan mo, pag bumalik na siya, pipilitin kong maging in good terms kami. Halata namang good-fellow siya at very gentleman.”

MATAPOS ang pag-uusap, tumayo na sila at naglakad-lakad. Sumusunod sa kanila ang isang binatilyong sorbetero. Ilang araw nang napapansin ito ni Stew, kung nasaan sila ng girlfriend, naroon din ito na para bang pinakikinggan ang kanilang mga pag-uusap.

“May bago kang stalker,” inginuso ni Stew ang binatilyo kay Maya. Hindi na siya naghinala nang anuman, iniisip niyang naaaliw lang itong pagmasdan ang kagandahan ng nobya.

Bago dumilim, umalis na sila ng campus. Nakababa ang salamin sa driver-seat dahil naninigarilyo si Stew habang nagmamaneho kaya pagtapat nila sa bakanteng lote, may naulinigan si Maya.

“Ihinto mo sandali,” utos niya sa nobyo.

“Bakit?” tinapakan ni Stew ang break.

“Parang may narinig akong tumutugtog ng flute sa loob pero paghinto natin, parang huminto rin.”

“Parang may narinig nga rin ako. Ano, pasukin natin ngayon? Hayun, may mama sa FX, imbestigahan natin.”

Naroon na naman ang FX sa loob, may natutulog na mama sa driver-seat nito.

“Wag na. Kung multo man ‘yong tumutugtog at kahit kasabwat pa niya ang mamang ‘yan, di na’ko interesado.”

“Hu, natatakot ka lang.”

“Whatever, basta iuwi mo na’ko.”

BANDANG alas dos ng madaling-araw, gumising si Maya dahil nakaramdam ng gutom. At bago makabangon sa kama, nakarinig na naman ng musika, guitar instumental ng paborito niyang kantang You Should Know By Now. Agad pumasok sa isip na si Schubert ito, dumating na at tinutugtugan siya.

Apurado siyang tumayo at dinungaw sa bintana kung naroon nga si Schubert sa kabila. Sarado ang bintana sa kabila pero bukas ang ilaw at bukas din ang pinto nito sa ibaba.

Dali-dali siyang bumaba ng bahay at tumuloy sa paupahan. Alam niyang si Schubert talaga iyon. Lamang, bakit wala ang big bike nito?

Parang nag-aalangan na siya nang pumapanik na sa hagdan ni Schubert. Bigla kasing naalala na si Schubert at ang multo ay maaaring iisa; si Schubert na bihasa sa pagtugtog ng flute ay siya ring multong tumutugtog kanina sa bakanteng lote.

Paano kung ang madatnan niya sa itaas ay lumulutang na gitara, tumutugtog nang wala namang kumakalabit? O kaya’y si Schubert nga na biglang ihaharap ang inaagnas na mukha at mga butas na mata at pagkatapos ay biglang mamamatay ang ilaw?…Baka bigla siyang himatayin at hindi na magising pa.

Naglalabanan sa kanyang kalooban ang magkahalong pakiramdam. Ngunit patuloy siya sa paghakbang na parang hinihila ang kanyang mga paa…dahil sabik na sabik siya sa pagbabalik ni Schubert…si Schubert na nakasalamuha niyang hindi lamang isang espiritu kundi isang nilikhang may mainit na dugo’t laman.

Ahh…sana sa pagkakataon ngayon, sabihin sa kanya ni Schubert ang “I really like you, Maya.”

Kahit hindi na ang katagang “I love you.”

At kahit pa hindi na niya maging boyfriend ito dahil talagang hindi pwede…

Dahil boyfriend na niya si Stew at hindi tamang ipagpalit niya ito kay Schubert.

Sana kahit man lamang ang pinaka-simpleng “I’m attracted to you, Maya” ang gawing pagtatapat ng damdamin ni Schubert ay habambuhay niyang ikaliligaya.

Habang papalapit siya sa itaas, lalong lumalakas ang tugtog at napasabay siya…kinanta niya sa isip ang pinaka-gusto niyang linya ng kanta: the way I tremble at the sight of you / I wanna learn to love you through and through.

Ngunit muli na naman siyang gininaw sa takot pero naroon na siya at di na dapat umatras pa kaya sa ika-huling baitang, patalon na ang ginawa niyang hakbang paakyat.

Biglang namatay ang ilaw at tumigil ang tugtog. Titili na lamang siya nang may naramdamang mainit na katawang dumikit sa kanya at may kamay na humagod sa kanyang likod.

CHAPTER 9

Nagliwanag muli ang paligid. Nakalapag ang gitara sa kama, nakasandal sa dingding si Maya at sa kanyang harapan…si Schubert, dikit na dikit sa kanya at sinasalo ng kanang braso nito ang katawan niyang nalulupaypay sa nerbiyos.

Nasandalan pala ni Maya ang switch sa dingding kaya namatay ang ilaw. Lumapit naman si Schubert, bahagyang kinabig ang likod niya upang i-turn-on ang switch.

Sa sobrang tuwa ng dalaga, tila nakalimot sa sariling niyakap ang lalaki. Tuwang-tuwa siya, una ay dahil hindi multo ang kanyang nasaksihan. Ikalawa at ang mas mahalaga…ang pinananabikang si Schubert ay totoo ngang nagbalik na.

“I’m sorry. I got over excited.” Binawi ni Maya ang yakap at marahang tinulak ang lalaki palayo sa kanya nang mahimasmasan.

“Akala ko kasi multo eh. Kasi I thought you’re not here already, tapos may gumigitara, inisip ko multo. Hindi naman pala kaya napayakap ako sa sobrang tuwa,” nahihiya niyang paliwanag.

“I’ts quite alright. There’s nothing wrong with hugging. I also hug my friends when I’m welcoming them…we’re friends naman, di’ba?” sabi ni Schubert.

“Yup. And I’m glad you’re back. Ba’t antagal mo nawala? Hindi ka man lang tumawag, nag-alala kami ni auntie sa’yo. Pa’no ka nakapasok, sarado ang gate a?”

“Pasensiya na, kaunting panahon na lang kasi, aalis na ako sa Pilipinas kaya inayos ko na ang mga dapat ayusin. Di ako makatawag, I don’t know the phone number eh, even your cell number. I did get in kasi I have my own key di’ba, binigay ng auntie mo? Iniwan ko ang bike sa labas kasi mai-istorbo tulog nyo pag binukas ko nang husto ang gate.”

“LABS…” malambing na simula ni Maya kinaumagahan kay Stew sa telepono. Ngayon lang niya tinawag nang ganito ang nobyo. Sa mahigit isang buwan nilang relasyon, laging sa pangalan lamang nito tinatawag ang lalaki. “Bumalik na siya, punta ka rito. Di’ba sabi mo, you’ll try to be in good terms with him?”

“Talaga? Nakakapagtaka. Sige, darating ako. Mag-prepare ka, aalis tayo…tayong tatlo. Sabihin mo sa kanya, isasama natin siya, one week vacation,” tugon ni Stew na talagang nagtataka sa biglang pagbabalik ni Schubert.

“Hindi kaya kauri siya ng maligno?” sambit ng nobyo sa isip. “Ha ha…hindi naman siguro.” Naglalaro sa isip ng nobyo: baka naman nakarating sa pandinig ni Schubert ang binitiwan niyang pangako kay Maya kahapon na paglalabanan niya ang nararamdamang pagka-yamot at sa halip, pipiliting makipag-kaibigan dito sa lalaki

NAKUMBINSI rin ng magnobyo si Schubert na sumama sa kanilang mag-out of town. Ngunit di nila napilit itong sumakay sa kotse ni Stew kaya dala ang sariling bike, sinusundan ni Schubert ang mag-boyriend sa loob ng kotse na ang tungo ay ang ancestral home ng pamilya Agcaili sa Olongapo.

Along the road at along the beach ang antigong bahay na dinatnan nilang tatlo sa probinsiya. Pag-aari ito ng lolo’t lola ni Stew na dahil kapwa mahihina na, kapiling nila at inaaruga naman ng isang private nurse sa kanilang tahanan sa Pasay.

Kaya naman ang pinsan niya, malayong pamangkin ng kanyang daddy ang sumalubong sa kanilang tatlo roon. Ang pinsan niyang ito ang pinagkatiwalan ng daddy niya na maging tagapangalaga ng antigong bahay. Nag-long distance call siya rito kanina kaya naihanda nito ang kanilang pagdating ayon sa kanyang kahilingan: tatlong malilinis na silid at masaganang ihaw-ihaw sa tabing-dagat.

“WOW! Ito ang paborito ko, pekeng duck.”hiniwa-hiwa ni Stew ang isang buong roasted turkey.

Napakarami ang nakahain sa cottage. Maliban sa mga biniyak na buko at sinaing na nakalagay sa dahong saging, puro inihaw na ang mga pagkain.

“This is special in Europe and the whole of west lalo na on the new year’s eve, right?” baling niya kay Schubert.

“Right. But that’s not Peking duck, that’s turkey,” sagot ni Shubert.

“Oo, pabo ‘yan,” sabad naman ni Maya.

“Pabo nga. I did’nt say Peking duck, I said pekeng duck…peke na duck. Kasi turkey ito hindi duck,” ngisi ni Stew.

Humagikgik si Maya samantalang si Schubert ay biglang tumayo at inasikaso nang paypay ang malalaking bangus na nakasalang pa sa ihawan sa labas ng cottage.

“Di niya nasakyan ang joke ko, original pa naman. Bad taste ba siya o naiinggit lang? He he…dahil wala siyang binatbat sa boyfriend mo’ng witty.”

“Hayan ka na naman, inaaway mo na naman siya,” pabirong inamba ni Maya ang barbecue stick sa mukha ng nobyo. “Akala ko ba, you’ll try…”

“Oopss…teka, di ko naman siya inaaway a. Naaaliw lang akong isipin na mas mahusay ang mental working ko kesa sa kanya. Besides, kahit mag-away kami, alam ko’ng ako ang kakampihan mo…tulad n’ong nakaraan.”

“My gosh! Ang yabang naman po talaga.”

“Hindi masama…kailangan ang yabang to gain respect. Respeto mula sa iba at respeto mula sa sarili. Pero kailangang I-differentiate ang boastful sa proud. Ako, I’m so proud of my smartness. Ikaw, be proud of being pretty. Si Schubert…bahala siya sa buhay niya.”

“See, inaaway mo talaga siya,” nakangiting winisik ni Maya sa mukha ng nobyo ang mga mumu ng kanin na nakadikit sa kanyang kamay.

“He he… okay lang ‘yon, di naman niya naririnig eh.”

Dumudukot si Stew sa cooler nang bumalik si Schubert.

“Beer breaker ako, pare. Ikaw?” ika nito

“Whisky.” Nilapag ni Schubert ang bitbit na mga inihaw na isda sa mesang yari sa mga biniyak na kawayan.

“Westerner ka talaga, matibay ang sikmura. Anyway, whisky and beer are both made-up of barley kaya pwede mo na pagtiyagaan ‘to.” Inabot ni Stew ang isang beer-in- can kay Schubert. Cheers, pare.” Sabay silang lumagok.

MATAPOS nilang kumain, nagyaya na si Stew ng swimming.

“I don’t feel I’d like to,” tanggi ni Schubert.

“Why is that? I’ts so obvious that you are ready.” Sinipat ni Stew ang suot ni Schubert na trunks and robe. “C’mon, pare, wag ka namang kill-joy. Bakit ka pa sumama kung ayaw mo naman pala’ng mag-enjoy?”

“Because you both insisted it. Pinilit n’yo ko.” Walang emosyong sinabi ni Schubert.

Kanina pa ito napapansin ni Stew, napaka-tipid magsalita ni Schubert. Bagama’t walang bakas ng galit sa mukha, parang ayaw nitong makipag-usap at sobrang ilap.

Dalawang posibleng dahilan ang iniisip ni Stew: una, baka nakararamdam ng selos itong lalaki. Ikalawa, marahil iniisip nito na sinadya siyang isama upang ipa-mukha at ipang-inggit sa kanya ang paglalambingan ng mag-nobya.

TOTOO ang intensiyon ni Stew na makipag-palagayang-loob kay Schubert, paraan niya ito upang humingi ng apology sa ginawa niyang pag-away dito noon. Ngunit nayayabangan siya sa inaasal nitong lalaki ngayon. Dagdag pa, halata niya na sa mga sulok ng mata ng nobya ay pinagmamasdan ang balbong braso at dibdib ni Schubert.

Kaya kumulo na naman ang dugo niya. Talaga yatang wala nang paraan upang maging close sila ni Schubert. Alam niyang nagiging irrational na siya pero ewan ba niya, di niya matanggap ang katwirang walang kasalanan si Schubert sakali mang attracted dito si Maya.

Parang sasabog ang dibdib niya sa galit kaya di man inaway nang pisikal si Schubert, sinaktan niya ito sa pamamagitan ng pang-iinggit: pwersahan niyang ihiniga ang nobya sa kanyang mga hita saka kinili-kiliti; kinagat-kagat ang mga tenga at iba pang parte ng katawan.

Tara na, sa tubig na natin ituloy ang kilitian,” ika niya sa nobya sabay baling kay Schubert, “Sakaling magbago ang isip mo, sumunod ka na lang ha, Mr. Kill-joy.” Hinila na niya si Maya patakbo sa dagat.

TULOY ang harutan ng magnobya sa tubig. At alam ni Maya, di nagdalawang-salita si Stew nang ipag-paalam siya nito sa tiya, hindi dahil tiwala ang kanyang auntie Lucy na walang pananalbaheng gagawin ito sa kanyang pamangkin. Talagang botong-boto lang ito kay Stew bilang mapapangasawa ni Maya. At kahit pa sexual na ang ugnayan ng dalawa basta’t wag lang munang mabubuntis ang pamangkin bago ang graduation. Ayaw niyang lumulobo ang tiyan nito na tatanggap ng diploma sa stage.

NAPAKA-saya ni Maya nang araw na iyon, damang-dama niya ang kalayaan. Malaya niyang makakasama si Stew at Schubert sa loob ng isang linggo. Si Schubert na kahit dumidistansiya sa kanila ay alam niyang pinagmamasdan siya. Tinatanaw din ito ng dalaga mula sa malayo. Bilang na bilang niya, apat na beses itong dumampot ng beer sa cooler, upo, tayo at palakad-lakad sa buhanginan. At maya-maya pa, bigla na lang itong nawala sa kanilang pangingin.

“BANLAW na tayo,” yaya ni Stew. “May batis doon sa paanan ng bundok. Gusto kong maranasan mong mag-alis ng asin sa katawan, the primitive way, walang sabon, only pure natural water.”

Bumalik sila sa cottage at kinuha ang mga bihisan. Wala roon si Schubert at di nila alam kung saan nagsuot. Hindi na sila nag-abalang hanapin pa ito paano’y nagmamadali si Stew na dalhin ang girlfriend sa ipinagyayabang niyang batis sa kabilang dulo ng buhanginan.

Madawag ang lugar sa paligid ng batis. Napakalamig ang tubig nito kaya di kinaya ni Maya ang matagal na pagkakababad dito.

“Aahon na’ko, sobrang ginaw.” Kinuha ni Maya ang bihisan at nagkubli sa naglalakihang rubber tree para makapag-palit na suot.

Nanatili si Stew sa tubig ngunit dahil malapit lang ang pinagkukublihan ni Maya, tanaw na tanaw niya ang mga basang damit na isa-isang hinuhubad ng dalaga at ihinahagis sa mga naka-usling ugat ng puno.

Ibang kislot ang nadama ni Stew. Naging laman ng utak niya ang walang saplot na katawan ng girlfriend; ang maputi, makinis at very slim na si Maya. Mas maganda siguro siya kung hubo’t hubad. At kung maaangkin niya ngayon ang pagka-babae nito, iniisip niyang hindi lang ang ligayang maibibigay ng pisikal nitong katawan ang kanyang malalasap kundi gayundin ang lambing nito; ang matamis nitong ngiti; ang tinig nitong ubod ng pino at ubod ng hinhin kahit pa humahalakhak–—ang lahat ng ito ay mapag-iisa ng mga pag-ungol ng pinakamamahal niyang si Maya.

Malakas ang paniniwala ni Stew na papayag si Mayang makipag-sex ngayon sa kanya dahil ang nobya mismo ang nagyaya sa kanya minsan. Oo, galit si Maya at paraan niya iyon noon upang insultuhin ang nobyo pero para kay Stew, gayon na rin iyon… Anuman ang dahilan, si Maya ang mismong nag-alok na ipa-angkin ang pagka-babae nito sa kanya.

Parang sinasapian ng demonyong ang-init ang katawan ni Stew. Umahon siya sa tubig, hinablot ang mga pinagbihisan ng nobya pati na rin ang mga tuyong damit nito na isusuot sana.

“Ano’ng ginagawa mo?” gulat na inilabas ni Maya ang mukha samantalang ang hubo’t hubad na niyang katawan ay itinatago sa likod ng puno.

“C’mon, Maya…we are lovers here. What’s wrong with being naked before my very eyes? Me, your boyfriend!” matigas na pagkakasabi ni Stew. “Ano’ng mali na ikaw at ako are having sex?”

“Wag muna, ayoko pa,” mahinahong tanggi ng dalaga.

“Maya, blissfulness of sex is a gift from god. Damhin natin ang kasiyahang maibibigay ng pagiging tao.” Sumusugod si Stew kaya mabilis na lumipat si Maya sa ibang mapagkukublihang puno.

“Stew, labs…wag muna please.” Nagsusumamo na ang tinig ng dalaga na lalo namang nakapag-paigting ng pag-iinit ng nobyo. Babaeng-babae pala ang boses niya kapag nagmamaka-awa kaya naman damang-dama ni Stew na siya ang makapangyarihang hari sa mga sandaling iyon.

Tuloy sa pagsugod ang binata at masasagpang na si Maya sa pinagtataguan nito nang biglang sumulpot si Schubert, bitbit ang 8mm caliber pistol.

CHAPTER 10

Hindi napansin ni Stew ang baril na hawak ni Schubert. Basta’t natatanaw niya itong papalapit sa kanila ni Maya. Mapapahiya siya sakaling maunawaan ni Schubert na ang tagpong iyon ay ang pagtatangka niyang sapilitang pag-angkin kay Maya; na hindi pala ito kusang ipagka-kaloob ng girlfriend.

Kaya naman palalabasin niyang nagkakatuwaan lang silang mag-nobya; kunwa’y pabiro niyang ipinuslit ang bihisan ng nobya bago magpahabol sa dalagang di mailantad ang hubad na katawan mula sa pinagkukublihan.

Sa pagtakbo ni Stew, nabundol niya si Schubert. “Hey, nandito ka pala, kanina ka pa namin hinahanap a…we’re having fun.” Itinaas niya ang hawak-hawak na mga damit ng dalaga sabay tawag sa nobya, “Halika na, agawin mo sa’kin ‘to.”

“Don’t fool yourself,” mabilis na inagaw ni Schubert ang mga tuyo at basang bihisan ni Maya.

“What?” kunwa’y nagtataka si Stew.

“Kanina pa ako rito and I know the real story.”

“Ang yabang mo a! E ano naman kung alam mo na, ano’ng paki-alam mo!.” Parang batang nag-aalburuto si Stew.

“Girlfriend ko siya at sampid ka lang dito. And what, gusto mo’ng mag-project as knight in shining armor just to impress my Maya? She’s my baby, maghanap ka ng sa’yo…PUT…NA MO!”

Nakita ni Maya ang bitbit na baril ni Schubert. Kinabahan siya na baka iputok ito ng binata kay Stew dahil minura na ito ng kanyang nobyo. Kaya lumabas na siya sa pinagkukublihan upang pumagitna sa dalawang lalaki, nawala sa isip na wala nga pala siyang saplot.

Mabilis naman siyang nalapitan ni Schubert at naipasa nito sa kanya ang mga bihisan bago pa makalingon ang nobyo.

Nanliit sa hiya ang dalaga dahil nalantad kay Schubert ang kanyang kahubdan. Agad niyang ibinalabal ang mga damit saka patakbong bumalik sa likod ng puno.

“You’re not safe in here. You better go home, your own home,” ika ni Schubert at ihinagis sa pinagkukublihan ng dalaga ang pistol. “Just in case…pull the trigger,” patuloy niya.

“Will you bring me home now?” tanong ni Maya ngunit sa kanyang kalooban, nagdarasal siyang sana ay tumanggi si Schubert dahil nahihiya na siyang humarap dito.

“Don’t trust me either, lalaki rin ako and your beauty is so alluring,” sagot ni Schubert na tumalikod na palayo sa dalaga.

Pagtapat niya kay Stew ay muli siyang nagsalita, “Hindi ipinipilit ang gusto sa umaayaw, that’s the formula of a long-lasting relationship.” At uluyan na niyang nilisan ang lugar na iyon nang walang paalam.

HINDI natupad ang plano nilang isang linggong bakasyon. Pag-alis ni Schubert, sumunod rin ang mag-nobyo palabas ng Olongapo.

Walang imikan ang dalawa sa loob ng kotse at hindi tinabihan ng dalaga si Stew. Sa back-seat pumwesto si Maya, hawak ang baril ni Schubert.

Gayunman, hindi siya galit sa boyfriend. Katunaya’y naaawa siya rito. Alam niya na kaya lamang siya pinagtangkaang halayin nito nang pwersahan ay dahil hindi lamang pagmamahal ang damdamin nito sa kanya kundi obsession…

Tama, obsessed si Stew sa kanya, ganito ito naiintindihan ni Maya. Dagdag pa, iniisip niyang sex ang napiling paraan ng nobyo upang di na siya kumawala at mapunta sa iba…si Schubert.

Ah, si Schubert. Ano pa kaya ang maihaharap niyang mukha rito. Ngayong nakita na nito ang hubo’t hubad niyang katawan, pakiramdam niya’y para na rin siyang hinubaran ng kaluluwa.

Mas kakayanin pa niya kung si Stew ang nakakita noon dahil alam niyang ang nobyo rin ang aangkin ng kanyang pagka-babae sa angkop na panahon.

May tunggalian sa kalooban ng dalaga: ayaw at gusto…ayaw na niyang magpakita kay Schubert dahil sa hiya ngunit gusto niya ang sayang naibibigay ng kanilang pagiging magka-salamuha.

Isa lang ang naiisip niyang paraan upang maibsan ang paghihirap ng kanyang loob: angkinin siya ni Schubert. Tama, doon ay malulusaw ang paghihirap na ibinibigay sa kanya ng hiya…

Doon, malalasap niya ang ligayang higit pa sa naibibigay ng kanilang pagiging magka-salamuha lamang.

Ngunit…mali ang gayon, maling-mali, hindi tama!

“Oh, Schubert, talagang pinahihirapan mo ako,” buntong-hininga niya.

Gabi na nang maiuwi siya ni Stew, ipinagbukas siya nito palabas ng kotse ngunit di makatingin nang diretso sa kanya. Wala silang imikan hanggang sa mga sandaling iyon.

Nang pabalik na ang nobyo sa loob ng sasakyan, malambing na binigkas ni Maya ang , “Labs…” kaya napahinto ang nobyo. Nilapitan ito ni Maya at madiing idinampi ang labi sa labi ng lalaki saka sinambit ang, “Take good care…bye.”

Kutob ni Stew, iyon na ang huling halik at huling salita na mararanasan niya mula kay Maya.

“BAKIT nandito ka na, akala ko ba’y isang linggo kayo roon? Nasaan ‘yong dalawang lalaki?” salubong sa kanya ng tiya pagpasok niya ng bahay.

“Nagyaya na ‘kong umuwi, auntie. Hindi ako makakatulog doon, hahanapin ng likod ko ang sarili kong kama,” palusot ni Maya. Ayaw na niyang ikuwento pa ang totoong nangyari.

“Hinatid ako ni Stew. Si Schubert ewan ko. Sobrang tulin ‘yong motor, di nga maabutan ni Stew eh.’

NAG-AALALA si Maya para kay Schubert. Nauna itong umalis sa kanila ngunit bakit wala pa ito sa bahay?

Baka nakabundol ito at dahil tourist ang kanyang visa, pinag-initan ng mga pulis para kwartahan.

O baka naman…siya ang nabundol…napuruhan at…isa nang bangkay… “Wag naman sana,” usal ni Maya na kung tutuusin ay panalangin na rin.

“Tama na!” sigaw niya sa isip.

Pagod na siya at ayaw nang mag-sip ng problema. Kailangan niyang punuin ng saya ang diwa habang dahan-dahan itong pinagpapahinga

Humiga siya sa sofa at pinagmunihan ang binitiwang pangungusap sa kanya ni Schubert kanina

“Your beauty is so alluring.” Umaalingawngaw ito sa kanyang memorya at kumikiliti sa kanyang puso.

Hindi man hayag ang ginawang pagtatapat ng damdamin sa kanya ni Schubert kanina, napaka-sarap damhin ang katotohanang tinablan din pala ang lalaki ng maalindog niyang kagandahan.

SA sobrang pagod, nakatulog si Maya sa sofa. Ngunit binulabog siya ng walang hintong pag-ring ng kanyang cellphone.

“Mmm…Maya…,” alanganin ang boses ni Stew nang sagutin niya ang cellphone,

“Alam ko ayaw mo muna ako kausapin pero alam ko hinahanap mo ngayon si Schubert at alam kong wala siya d’yan dahil nandito siya, piangpupuyatan kong bantayan.”

“Ano? Nasaan ka?”

“Okay lang ba na puntahan kita bukas? Bukas ko na ide-detalye sa’yo ang lahat.”

“Nasaan ka nga, si Schubert?”

“Okay lang ba sa’yo?”

“Oo, punta ka dito ngayon na.”

“No, bukas na lang. Early morning.”

“S’an ang location mo ngayon? Hospital? Ano status ni Schubert?”

“Dito ako sa bahay niya. Dito siya nakatira…sa bakanteng lote. Confirmed ng dalawa kong mata…si Schubert…multo!”

CHAPTER 11

Kinabukasan, maagang pumunta si Stew kay Maya.

Si Maya naman sa pagmamadali ay hindi na nag-breakfast. Naghilamos lang, nag-toothbrush at nagsuklay. Hindi na pinalitan ang suot na pajama, bitbit ang pistol ni Schubert ay niyaya na ang nobyo sa bakanteng lote.

“Dito ang exact location ko kagabi nang naihatid na kita at palabas na’ko ng highway.” Hininto ni Schubert ang kotse sa lilim ng malaking puno ng Acacia, malapit sa wasak na gate ng bakanteng lote.

“Yong FX na laging nakaparada d’yan sa loob, nakita kong lumabas,” patuloy ng nobyo.

“Huminto at lumabas ang driver. May lumapit na lalaki sa kanya galing din sa loob ng lote. Di ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero dahil maliwanag ang buwan kagabi, nakilala kong si Schubert ang lalaking iyon.”

“Pag-alis ng FX, si Schubert sa loob. Lumabas na’ko ng kotse at pagtapat ko sa gate, nakarinig ako ng wind instrument.”

Pumasok ako’t nagkubli sa gilid ng mini-bus. Kitang-kita ko si Schubert, nakasalampak sa lupa’t tumutugtog ng flute.”

“Maya-maya, tumayo na siya’t humakbang sa isang sulok. Doon, tanaw na tanaw ng dalawang mata ko ang anino niya sa liwanag ng buwan…dahan-dahan siyang pumapa-ilalim…hinihigop ng lupa.”

Lumabas na ng kotse si Stew kasunod si Maya.

Pagtapat nila sa wasak na gate, naroon na naman ang FX. At ang driver sa loob nito, gulat na gulat sa pagkaka-kita sa kanila.

Lalapitan na lang ito ng mag-boyfriend upang kausapin ngunit parang nakakita ito ng multongpinaharurot ang sasakyan palabas ng lote. At kung hindi lang sila naka-ilag, nasagasaan sila nito pagdaan sa kanilang harapan.

May dalawang lalaki sa loob. Palinga-linga ang mga ito sa paligid at palakad-lakad, halatang pinag-aaralan ang kalawakan ng lugar. Nilapitan ng magnobyo ang isa sa mga ito.

“Excuse me, sir,” panimula ni Maya. “Kayo po ba ang may-ari ng loteng ‘to?”

“Hindi,” tiniklop ng lalaki ang bitbit na clear book. “Ang pagkaka-alam ko, pag-aari ito ng mga Schneider.

“Yon yata ang apelyido ng pamilya. Tunog German ‘no? Si Mr. Uy, ‘yong may-ari ng pabrika ng papel d’yan sa tapat, binibili ito, pagtatayuan ng extension ng paper mills.

“At kung matuloy ang bentahan, suppose to be ako ang architech. Mamayang gabi yata ipa-finalize ang deal…bakit mo naitanong, Miss?”

“Amm…naninibago lang po ako. Eversince kasi, walang tao dito. Ngayon ko lang nakitang meron kaya di ko napigilang magtanong. Pasensiya na po sa istorbo.”

INIWAN na ng magnobyo ang kausap at bago nila tuluyang nilisan ang lugar, itinuro ni Stew sa dalaga ang nagtataasang damo, “Nakikita mo ba ‘yon? Doon sa sulok na iyon naglaho si Schubert sa paningin ko.”

“WAG mo na’ko ihatid, may dadaanan pa ako eh. Lalakarin ko na lang. Umuwi ka na’t magpahinga, napuyat ka last night di’ba?” ika ni Maya nang makalabas na sila sa gate.

Di na nagpumilit si Stew na isakay sa kotse ang dalaga, inaasahan niyang galit pa rin sa kanya ang nobya. Inabutan na lang niya ito ng chocolate bar, “Alam ko gutom ka na, hindi ka nag-breakfast.”

Kinuha naman ito ni Maya at naghiwalay na sila.

“KILALA n’yo po ba ang mga Schneider,” agad na tanong ni Maya kay matandang Paying, ang old tenant ng kanilang barangay. Sinadya niya itong puntahan bago umuwi ng bahay.

“Ay, oo. Tama, ‘yon ang totoong apelyido nila, naalala ko na. Wilhelm Schneider ang talagang pangalan niya, screen name lang ang Pancho de Luna.”

“At ang papa niya, Wilhelm din ang pangalan. Naku ang papa niya, matanda na noon pero mababakas pa rin sa mukha ang ka-gwapuhan. Matangkad, matipuno at aliw na aliw akong pakinggan ang pagtugtog nito ng plauta.”

“Noong dalagita pa lamang ako, maraming beses akong nakapasok sa bahay nila dahil nang mga panahong iyon, labandera nila ang ate ko.”Halos kumikislap ang mga mata ng matandang ale habang nagkukuwento.

NAGMADALING umuwi si Maya matapos makakuha ng impormasyon sa matanda.

Pagdating ng bahay, di pa rin siya nag-almusal. Nagkasya na siya sa chocolate bar at apuradong tinungo ang kabilang pinto ng kanilang duplex.

Nakasara ito ngunit walang kandado. Ibinukas niya at inakyat ang kwarto ni Schubert. Wala pa rin doon ang binata kaya Malaya siyang makapagha-halungkat.

Ngunit nakasusi ang kabinet. Alam ni Maya, doon nakatago ang mahahalagang papeles ni Schubert.

Nawalan na ng pag-asa ang dalaga, hindi niya maisasakatuparan ang planong mag-imbestiga.

Hanggang napansin niya ang naka-usling papel sa siwang ng nakapinid na kabinet. Dahan-dahan niya itong hinugot.

Contract paper ito sa pag-upa ni Schubert sa kanila. May dalawang naka- pirma rito: ang isa ay ang auntie Lucy niya. Ang isa naman, mahabang pirma sa ibabaw ng napakagandang sulat-kamay ng pangalang…Wilhelm Schubert M. Schneider.

Hindi mapakali si Maya mula sa natuklasan. Natitiyak niyang multo nga si Schubert. Alam niyang hindi nagsisingungaling si Stew nang ikinukwento nito ang mga nasaksihan.

Ngunit sakaling ganoon nga, si Schubert na nagngangalang Wilhelm ay sino sa dalawang yumaong Wilhelm?

Siya kaya si Wilhelm na ang screen name ay Pancho de Luna?

O ang ama nitong Wilhelm na bihasa sa pagtugtog ng flute?

Ang ninang niya at ang mga katulong nito sa Tagaytay, hindi kaya mga multo rin?

At ang driver ng FX, baka multo rin.

O kung sakaling hindi, siguradong ang driver na ito ang nakaaalam ng lahat ng sikreto ni Schubert.

Hindi na matahimik ang isip ni Maya hanggang kinagabihan. Kaya pagkatapos niyang maghapunan, nagsuot siya ng nighties upang hindi mahalata ng auntie ang kanyang binabalak.

Sinabayan niya muna ito sa panunuod ng tv sa sala. Nang pumanik na ang tiya sa sarili nitong silid, pumuslit siya ng bahay at mag-isang tinungo ang bakanteng lote.

Inaasahan niyang sa mga oras na iyon, naroon na ang FX at ang driver nito. Kailangan niya itong kausapin at kung kinakailangang magpaputok ng baril ay gagawin niya ipagtapat lang nito sa kanya ang buong katotohanan.

Di tulad ng inaasahan, wala ang FX sa bakanteng lote. Tanging motorsiklo ni Schubert at mga bulok na sasakyang dati nang nandoon ang kanyang dinatnan.

Ngunit ayaw niyang masayang ang ginawang pagtakas ng bahay kaya nahihintakutan man, pinasok na niya ito kahit nag-iisa.

Bitbit ang baril, pinalalakas niya ang loob. Lamang, “di nga pala tatablan ng bala ang multo,” katwiran niya sa isip.

Pero bakit ko babarilin si Schubert sakaling magpakita siya sa’kin sa anyong multo?” Ni minsan hindi niya ako sinaktan at alam kong hindi niya ako tatakutin ngayon.”

“I’ts all in the mind, fear is but a state of mind,” habang inuusal ito ay unti-unti siyang nakararamdam ng tapang.

Humakbang siya palapit sa nagtataasang damo kung saan naglaho si Schubert ayon sa nobyo.

Bigla namang umihip ang malakas na hangin at humampas-hampas sa kanya ang mga talahib.

Sa pagka-bigla, napatalon siya sa loob ng talahiban at natuklasang sa paligid lang pala ang mga talahib at sa gitna, bakanteng espasyo.

May natalisod siya sa pagtalon, isang metal platform na nagugulungan ng malalaking bulitas. Dahil nasikad niya, bahagya itong umusad at nagkaroon ng siwang.

Dumapa siya at sumilip…may malamlam na liwanag na nagmumula sa ilalim.

Itinulak niya nang husto ang platform at bumulaga sa kanya ang pitong baitanging hagdan pababa.

Sabik na sabik si Maya na tuklasin ang misteryo kaya nag-aalangan man, humakbang na siya pababa ng hagdan.

Red carpeted ang sahig sa ibaba, naaninag niya ito kahit hindi ganap ang liwanag ng chandelier sa kisame.

Iba ang lamig ng paligid at alam niyang galing ito sa air conditioner. At alam rin niyang ang pinagmumulan ng power supply nitong basement ay ang generator dahil naririnig niya ang ugong nito.

May mga lumang gamit roon na maayos ang pagkakahanay: isang mahabang sofa na pinagigitnaan ng stereo pono sa kaliwa at bar piano naman sa kanan. At sa kongkretong dingding, nakabaon ang malalaking speakers.

Napansin niya ang dalawang picture frame na nakapatong sa bar piano kaya nilapitan ito.

Ang mga ito ay larawan ng dalawang pares na magsing-irog na naka-damit pang-kasal. Sa unang pares, may nakaukit na Willy&Paz. Ang isa naman ay portrait at may lettering na Mr.&Mrs. Wilhelm Schneider.

Pinagkumpara niya ang dalawang lalaki sa magka-hiwalay na larawan.

Sino kaya sa mga ito si Schubert? Siya kaya si Willy na katabi nitong babaeng tsinita? Ngunit lamang ang Spanish feature nitong lalaki kaysa pagiging German.

Baka naman siya ang Wilhelm dito sa portrait, katabi nitong babaeng kastilang-kastila ang hitsura? Maaaring siya na nga ito dahil kahit luma’t black and white ang portrait na ito, Aleman na Aleman ang hitsura nitong Wilhelm at higit na kamukha ni Schubert kaysa rito kay Willy.

Napalingat si Maya nang mayroong lumangitngit. Nakita niyang pumipihit ang bookshelves sa kanyang likuran. Matapos ang pagpihit nito, bumulaga sa kanya ang reading table kasabay ng pagsindi ng lampshade sa ibabaw nito at…naroon si Schubert.

CHAPTER 12

“Now you know where I really live,” parang galing sa balon ang boses ni Schubert.

Hindi alam ni Maya kung iyon ba ay sa dahilang kulob ang basement o talaga lang ganoon ang totoong tinig ng nagsasalitang multo.

Pagtango ang itinugon niya kasabay ng pagbulong sa isip, “Yes, and I know now who you realy are.”

Inaasahan niyang naririnig iyon ni Schubert dahil ang multo ay kayang magbasa ng isip.

Iba ang gayak ni Schubert nang gabing iyon, parang dadalo sa isang formal gathering o kung hindi man ay corporate meeting: naka-coat&tie;black pants at leather shoes; makintab ang bagong gupit na buhok; hawak-hawak ang portfolio sa ibabaw ng table at ubod siya ng bango.

Hindi maintindihan ni Maya kung bakit napawi ang lahat ng nararamdaman niyang takot…

Si Schubert na isang multo ay hindi nakapangingilabot kundi talagang kaakit-akit…ngayong gabi, higit sa mga naunang gabi at mga nauna pang mga araw, siya ay very attractive.

At si Maya, sinuman sigurong tunay na lalaki ang makatunghay sa kanya sa bihis niyang iyon tiyak na panginginigan ng laman: see through ang suot na nighties kaya tanging panty at bra ang tumatakip sa maseselang parte ng kanyang katawan.

“Get lost, Maya…habang kaya ko pang magpigil, umalis ka na,” babala ni Schubert.

Ngunit iba ang takbo ng puso’t isip ni Maya sa mga sandaling iyon. Oo, si Stew ang kanyang boyfriend at marahil ang siya niyang mapapangasawa…

O kung hindi man…sa bandang huli man ay ibang lalaki ang kanyang makatuluyan, alam niyang buong-buo siya nitong maaangkin, may mangyari man sa kanila ni Schubert ngayong gabi.

Sapagkat si Schubert ay purong kaluluwa…isang makapangyarihang kaluluwang kayang magpaka-laman nang pansamantala;

May kapangyarihang linlangin ang kanyang senses kung saan maaangkin nila ang isa’t isa sa daigdig ng purong imahinasyon lamang, isang napaka-haba at napaka-sarap na panaginip…panaginip lamang.

Tama, mananatili siyang birhen matapos makipag-talik kay Schubert…Ganito ang paniniwala ni Maya.

“Get lost,” muli ni Schubert

“Angkinin mo ako,” tugon ni Maya sa isip habang dahan-dahang lumalapit sa lalaki.

“Maya, if you still have my pistol, hold it tight hanggang makalabas ka rito. Make haste habang kaya ko pang mag-resist.”

“Angkinin mo ako,” muli ni Maya sa isip at inilapag ang baril sa desk.

“Maya, can’t you understand? Don’t put the deer beside the lion!” iniwan na ni Schubert ang desk. Hinawakan niya ang mga balikat ni Maya at inalog-alog na parang ginigising ang dalaga sa pagkakatulog saka galit na isinigaw ang, “What do you want in here?”

Nagulat si Maya kaya pasigaw nang nabigkas ang, “Angkinin mo ako.”

May pagtatanong sa mga mata ni Schubert ngunit ngayong magkalapit na ang kanilang mga katawan, parang nanlambot ang lalaki at mula sa malakas na tinig ay papahinang sinambit nito ang pangalan ng dalaga,

“Maya…Maya…Mayyy…” niyapos at pinaghahagkan na niya ang dalaga.

Hinayaan lang ito ni Maya. Hindi siya gumanti ng yakap at halik sa lalaki. Nanatili siya sa pagkakatayo at parang manikang nagpaubaya sa kanyang manlalaro.

Ngunit damang-dama niya ang init na sumasalin sa kanya mula sakatawan ni Schubert…parang kuryenteng gumuguhit sa kanyang mga ugat.

Napaka-bilis ng mga pangyayari, di na niya namalayan kung papaanong ang magkalapat na nilang mga katawan ay kapwa kahubdan na at paligid-ligid sa naa-alpombrahang sahig.

Sa mga sandaling iyon ay napagtanto niyang totoo pala, doon ay walang puwang ang katagang hiya.

Talagang natangay na siya. Sa katotohanan man na wala siyang kaalaman sa art of sex, passion&romance, ginagabayan siya ng kanyang instinct.

Parang may sariling pag-iisip ang kanyang mga kamay at daliri, accompanied by her cotton-soft sensous lips, caressing the voluptuous mascular and hairy perfumed body of modern-day Narcissus --- Schubert.

Nalalasap niya ang ligayang dulot ng tanggap-bigay—naroon siya hindi upang magbigay lamang kundi upang tumanggap din; hindi lamang upang magpa-angkin at pagbigyan si Schubert kundi gayundi’y pagbigyan ang kanyang sarili…angkinin din si Schubert—magka-panabay; hali-halili’t salitan.

“Si Stew, what would become of him?” biglang tigil ni Schubert na tila pinanumbalikan ng kamalayan.

“You are my here and now,” pabulong na tugon ni Maya at isinugpon sa isip, “Wag mong itanong ang tungkol sa kahapon at bukas…ang mahalaga ay ang dito at ngayon.”

Ipinagpatuloy nilang dalawa ang pagsasanib ng mga katawa’t damdamin at maya-maya pa, gusto nang humulagpos ni Maya nang makaramdam ng hapdi.

Pakiwari niya’y sinusugatan ang kanyang konsiyensiya…dahil multo man ang kanyang kaniig, pagtataksil pa rin iyon sa kanyang nobyo…ito ang ibinubulong ng kanyang pang-unawa.

Pinilit niyang kumawala ngunit hindi na maawat si Schubert na sing-bangis na ng leong nilalapa ang nagpupumiglas na usa.

Wala nang nagawa pa ang dalaga kundi lasapin ang magkahalong hapdi at ligaya.

HINDI na namalayan ni Maya ang mga sumunod pang nangyari dahil nakatulog siyang patang-pata sa pagod. Napadilat lang siya nang marinig ang ingay ng motorsiklo sa labas.

Namulat siyang hubo’t hubad at nag-iisang nakahandusay sa sahig.

Ibinangon niya ang hapong katawan, muling isinuot ang mga underclothes at nighties saka ibinalabal ang amerikana ni Schubert na nakabalandra sa sahig.

Paglabas niya ng basement, nasa loob na ng bakuran ang FX samantalang si Schubert, t-shirt at denim pants na lang ang suot, sakay ng motorsiklo ay humarurot na palabas ng gate.

“UUWI ka na?,” ang driver ng FX na kanina pa pala hinihintay ang paglabas ni Maya.

“Ipinagbilin ka sa’kin ni Schubert, ihatid daw kita sa inyo. Wag ka matakot sa’kin, itinuturing niya akong nakatatandang kapatid.”

“Sino ka? Multo ka rin ba tulad ni Schubert?” patakbo nang bumalik si Maya sa basement upang balikan ang baril sa desk.

“Ako at si Schubert, multo? Gulat na sinabi ng driver habang sumusunod kay Maya pababa. “Aldilito ang pangalan ko, kuya Aldz ang tawag niya sa’kin at kamag-anak na ang turing sa’min ng pamilya nila.

Noong kalakasan pa ng tatay ko, naging family driver siya ng mga Schneider.”

Dinampot ni Maya ang baril nang marating ang desk at itinutok sa driver.

“Mar…riane Bernardo…wag…kaibigan ako,” kabadong-kabado ang lalaki.

“Paano mo nalaman ang buong pangalan ko? Gaano mo’ko kakilala?”

“Nabasa ko sa ID at registration form mo, ako ang nakapulot at naghatid sa inyo ng binder mo.”

Dahan-dahang ibinaba ni Maya ang baril. Naniniwala siya na mabuting tao ang kaharap na hindi man lamang niya nagawang pasalamatan sa ginawa nitong kagandahang-loob noon.

Nakahinga naman nang maluwag ang lalaking nasa mid 40’s ang edad. Kalmado itong nagpahayag:

“Kahapon, talagang natakot ako nang makita kita at ang kasama mo’ng lalaki”

“Paki-usap kasi sa’kin ni Schubert, iwasan kong maging magkakilala tayo dahil pag nangyari ‘yon, hindi malayong malaman mo na ako at siya ay magkakilala rin. At siyempre, malalaman mo na sinusundan-sundan ka niya at kasabwat ako.”

Pero kanina sabi niya, kapag nagtanong ka raw, ibulalas ko na ang lahat ng katotohanan sa’yo.”

“Si Schubert ang nag-utos sa’kin noon,” Gusto niyang alamin ang eksaktong tirahan mo kaya pinasauli niya sa’kin kunwari ang gamit mo. Ang talagang intensiyon niya, sundan ka…hanggang sa eskwelahan mo.”

“Kabisado niya ang eskuwelahang iyon dahil doon siya nag-grade one. 24 anyos ako noon at madalas ako ang nagmamaneho sa paghahatid-sundo sa kanya dahil ang tatay ko nang panahong iyon, medyo Malabo na ang mata kaya masyadong maingat sa pagmamaneho.”

“Kaso ang gusto ni Schubert, lumilipad sa tulin ang kotse. Nang panahon kasing ‘yon, adik na adik siya sa sikat na sikat noong programa sa tv na Knight Rider. Ako naman, natural, kabataan ko pa iyon kaya kaskasero ako.”

“Kaya iiyak-iyak ‘yan sa mommy niya kapag hindi ako ang magda-drive. Kaya noon pa man, malapit na kami sa isa’t isa. Kung kapatid ang turing niya sa’kin, anak naman ang turing ko sa kanya.”

“Bata pa lang, mahusay na siya sa mga musical instruments. Pero nag-enroll siya uli pagbalik ng Pilipinas at ‘yong schedule niya, ipinareho sa class schedule na nakasaad sa class schedule mo.”

“Bakit?” ngayon lang at ito lang ang nasabi ni Maya.

Nagpatuloy naman ang lalaki:

“Nang dumating siya mula Canada, dito sa bakanteng lote siya agad tumuloy. Gusto niyang sulitin ang natitira pang panahon bago maipagbili ito. Dito siya ipinanganak at dito niya ginugol ang kamusmusan, kapiling ang dalawang kapatid na dalaga at nagmamahalang mga magulang.”

“Saksi ako sa lahat ng galaw ng buong pamilya hanggang sa paghihiwalay ng mommy at daddy niya.”

“Si Schubert ang bunso sa tatlong magkakapatid. Menopose baby siya, magsi-singkwenta anyos ang mommy niya nang ipagbuntis siya. Binusog siya sa pagmamahal kaya naman lumaki siyang sobrang lambing.”

“Kaya naman labis niyang dinamdam ang paghihiwalay ng mga magulang.”

“Musmos pa lang, isinalin na sa pangalan niya ang titulo ng loteng ito. Pero sa Canada siya nagbinata at dalawang beses lang nagbalik ng Pilipinas. Una, n’ong namatay ang daddy niya at ikalawa ngayon dahil meron nang buyer ang lote.”

“Sa totoo lang mabigat sa loob niyang ipagbili ito. Masyado niyang bini-baby sa ala-ala ang lugar na’to…ang lugar na ito na minsa’y napaka-garbo at napaka-sayang tahanan.”

“Itong basement na lang ang natira sa napaka-laki nilang bahay noon. Ito ang kanilang music room at library. Dati may divider pang sound-proof na salamin dito sa gitna para hindi maistorbo ng nag-iingay ang nagbabasa.”

“Nang dumating si Schubert, pinagtulungan naming linisin ito. Dito siya nagkukulong at ayaw lumabas.”

“Hanggang isang umaga, sabi ko sa kanya magpa-araw naman, namumutla na kasi. Sinunod naman niya ako.”

“At iyon nga, nang umagang iyon…nakita ka niya, at mula noon, araw-araw na niyang inaabangan ang bawat pagdaan mo rito.”

“Gandang-ganda siya sa’yo, in-love na in-love.”

“Kaya isang hapon, hindi na siya nakatiis, umupo siya sa ibabaw ng bulok na bus para mapansin mo. Inamin niya sa’kin ang lahat ng iyon.”

At alam mo ba, nitong nagdaang linggo, ‘yong anak kong binatilyo ay pinagpanggap niyang sorbetero sa eskwelahan nyo? Ilang araw itong nag-e-espiya.”

“Ang utos kasi sa kanya ni Schubert, pakinggan ang mga pag-uusap nyo ng boyfriend mo? Kung galit ka ba o may pagtingin kay Schubert…sandali, ano ‘yong sinasabi mo kaninang multo?”

“Nalilito ako. Kung hindi ka multo, si Schubert ba hindi rin? Hindi ba siya ang lalaking iyon?” itinuro ni Maya ang lalaki sa portrait na may lettering na Mr.&Mrs. Schneider.

“Ha ha ha…lolo’t lola niyang mga ‘yan,” nilapitan ng driver ang larawan. Pero hindi na sila nakita ng mga apo nila.”

“Sabi ng daddy niya, si Schubert daw ang nagmana ng personalidad ng lolo niya. Ang mukha, katawan at husay sa pagtugtog ng plauta.”

“Haciendero daw ang lolo niyang iyan at pagkatapos daw ng panahon ng Hapon, naging Governor ito sa Bacolod. Pero madalas magbakasyon dito sa bahay na’to noong matanda na.”

“Ito namang isang picture, mommy at daddy ni Schubert. Mga sikat na artista mula 1950’s hanggang 1970’s, sina Pancho de Luna at Pacita Moran. Morgan ang totoong apelyido ni ma’m Paz, screen name ang Moran.”

“Si sir Willy, sa Bacolod na tumira nang maghiwalay silang mag-asawa. Pinag-retiro niya sa pagmamaneho ang tatay ko, binigyan niya ng puhunan kaya nakapag-tayo ng talyer…dito mismo sa loteng ‘to.”

“Yang mga bulok na sasakyan sa labas, mga naiwan ‘yan ni tatay.”

“Ako, ngayon lang ako nag-ga-garahe ng FX dito pagkatapos ng pasada. Kailangan kasing mabantay-bantayan ko si Schubert habang naririto siya.”

Hindi na masyadong pumapasok sa isip ni Maya ang iba pang mga sinabi ng driver. Basta ang malinaw sa kanya ay ang katotohanang hindi multo si Schubert; totoong taong hindi lamang may espiritu kundi isa ring dugo’t laman at buto; may pakiramdam, may damdamin…ang kanyang nakatalik.

Paano na? Ngayon ay hindi na maibabalik ang kanyang virginity…ano’ng klaseng paliwanag pa kaya ang sasabihin niya kay Stew?

Ngunit…bakit kaya parang hindi niya pinagsisisihan ang nangyari?

Bakit kaya ngayon, pagkatapos ng kanilang pagniniig ay mas tumaas ang level ng attraction niya kay Schubert?

Pero paano naman si Stew, naging mabuting kaibigan pa naman niya ito at…

“Tama,” matigas na inusal ni Maya sa isip. “Gusto ko siyang makasama hanggang sa pagtanda…bilang kaibigan lamang, hindi mangingibig!”

Sa pagkakataong iyon, mabilis na tinimbang ni Maya ang mga pakiramdam at agad na nagpasya: Kailangan niyang tuparin ang dikta ng puso hindi ang kung anu-ano pang konsiderasyon para kay Stew.

Magalit man ito ay hindi na mahalaga…

Sapagkat nagliwanag na sa kanya ang lahat…

Gusto niyang mahalin hanggang sa huling sandali ng kanyang hininga …

Si Schubert.

Ngunit nasaan siya? Bakit umalis nang walang paalam? Lagi na lamang ba’ng ganoon?

“SAAN po siya nagpunta?” tanong ni Maya bago idinugtong ang ,

“Kuya …Aldz?” Ipinaramdam niya sa driver ang pagtitiwala niya rito; na alam niyang magiging katuwang ito sa buhay dahil naging katuwang na ito ni Schubert…

Si Schubert…ah, bakit ba ngayong gabi, anumang bagay na may kinalaman kay Schubert ay nararamdaman niyang kabahagi at magiging kabahagi siya?

“Tama ‘yan. Mula ngayon kuya Aldz na rin ang itatawag mo sa’kin kagaya ni Schubert…”

“Sa Bayview Park Hotel ang lakad niya, magkikita sila ng buyer nitong lote, ngayong gabi magkakabayaran.”

“Nagtataka nga ako’t kamiseta’t maong na lang ang suot niya at saka…” napuna ng driver ang portfolio sa ibabaw ng desk. “Bakit hindi niya dala itong mga papeles?”

“Hay naku,” patuloy pa nito. “Magulo kasi ang isip niya. Kaninang umaga kasi, bumili na siya ng plane ticket. Bukas na ang lipad niya pa-Canada. Pero halata ko, atubili siyang umalis ng Pilipinas at tiyak ko, ang loteng iot ang tanging dahilan. Talagang ayaw niyang ipagbili.”

Parang tinamaan ng kanyon ang sintido ni Maya dahil sa tinuran ng kausap. Aalis na pala si Schubert…ngayon pa!

Matapos niyang ipa-angkin hindi lang ang kanyang pagka-babae kundi ang buo niyang pagkatao: isip, diwa at damdamin…saka pa siya iiwan!

Ngayon pa kung kailan buo na ang kanyang pasya: Si Schubert ang pipiliin higit kay Stew.

“Palibhasa, very Western ang culture niya. Gamit lang ang tingin sa babae, sex machine!” sigaw niya sa isip.

Bigla siyang namuhi kay Schubert ngunit higit ang nararamdamang awa sa sarili.

“Paki-hatid nyo na ako, kuya Aldz. Tapos na ang lahat. Kilala ko na siya, kilalang-kilala.”

“DITO na lang kuya Aldz. Salamat.”

Hininto ng driver ang FX sa isang tindahan malapit sa bahay ni Maya at bumaba na ng sasakyan ang dalaga. Pag-alis ng driver bumili ang dalaga ng ilang botelyang beer at pagpasok ng bahay, dumiretso sa silid, nag-lock at nagpaka-lasing

TANGHALI nang gumising si Maya nang sumunod na araw. Tinutukuran ng dalawang kamay sa ibabaw ng mesa ang mabigat na ulong pumipintig-pintig dahil sa hang-over.

“Aba’t gising ka na rin pala,” ika ng tiya galling sa labas ng bahay. “Umagang-umaga kanina, narito si Schubert. Ikaw ang hinahanap, papunta raw siya ng airport. Tinatanong ko kung ano’ng kailangan niya, ayaw naming magsalita, ikaw lang talaga ang gusting kausapin. Ilang beses kong kinalabog ang pinto mo, hindi ka naman magising kaya umalis na siya. Bakit ba ‘yang si Schubert, susulpot-mawawala, aalis-babalik?”

“Hindi na siya babalik,” walang kagana-ganang sabi ng dalaga.

“Ha? Naku makhang tulog pa’ng diwa mo. Kumain ka na d’yan at matulog uli kung gusto mo. Ako nama’y maliligo muna.”

Pag-alis ng tiya, di na pinigil ni Maya ang pag-hagulgol.

Nagsasalita siya na para bang may kausap sa kanyang harapan:

“At bakit mo naman ako hinahanap? Anong sasabihin mo: Maya, I’m very thankful for letting me having you last night. I will treasure that very night into my memory. As if the most precious moment of my life. Bye, Maya. Nag-enjoy ako and I’m quite sure, nag-enjoy ka rin…Hayup! Baboy ka Schubert! Baboy ka!”

PAPALUBOG na ang araw, si Maya nakatayo sa tapat ng nakabukas nilang gate, buong pag-asang hinihintay ang alam niyang hindi na magbabalik. Bawat eroplanong magdaraan ay tinitingala. Ilang oras na siyang ganito; ilang oras nang walang patid ang pagpatak ng luha.

Ngunit ayaw niyang mahalata ito ng tiya. Kailangan niyang pumasok sa silid upang doon ikubli ang paghihinagpis.

Alam niyang hindi na maibabalik ang lahat --- wala nang magbabalik at siya…wala nang babalikan…

Si Stew? Ang laging nakalaan niyang kaibigan?...hindi na maaari!

At kahit maaari pa ang gayon…huwag naman.

Tiyak niya, kahit ano pa ang mga nangyari, kahit aminin niya o kahit palalain pa niya---ipamukha man kay Stew na siya mismo ang nang-akit kay Schubert at kusang ipina-angkin dito ang kanyang pagkababae…tatanggapin pa rin siya ng nobyo.

Subalit ayaw ni Maya na mangyari ang gayon. Mas kakayanin pa niyang pasanin nang mag-isa ang bigat ng kalooban kaysa magsilbing panakip-butas ang mabait na si Stew; hindi niya matatanggap na ang mapagmahal niyang nobyo ay magpaka-tanga para sa kanya.

Isasara na lamang niya ang gate nang matanaw ang paparating. Siya na siya talaga…ang big bike, ang pangangatawan …ang magandang mukha na walang suot na helmet. Pero imposible.

Kinisap-kisap niya ang mga mata dahil baka naman nagha-halucinate lang siya. Ibinukas niya nang husto ang gate at saka umatras papasok. Kung talagang si Schubert nga ang nakikita niya, siguradong tutuloy ito sa loob ng gate.

Tumuloy nga ang paparating na lalaki at hininto ang motorsiklo pagpasok ng gate. Ngunit di pa rin makapaniwala si Maya, tinitigan lang ito at hindi na nakapagsalita.

“Bakit parang nakakita ka ng multo?” nakangiting sinabi ng lalaki na bumaba na ng motorsiklo.

“Schu…bert? Totoo ba ito?” pinisil-pisil ni Maya ang mukha ng lalaki.

“Yes, it’s me.”

“Di ba sumakay ka na ng eroplano?”

“I’ve been to airport, nag-refund ako ng ticket.”

“Bakit, dahil kailangan mong mag-extend ng ilang araw? Dahil naiwan mo ang mga papers sa desk kagabi kaya hindi natuloy ang bentahan? ‘Yon lang naman ‘yon di’ba? ‘Yon lang ang importante sa’yo, ang bakanteng lote. Reluctant kang ipagbili because you treasure the happiest moments of your past…just the past, the past and nothing but the past!”

“Maya, kung gaano ka-precious sa akin ngayon ang aking past, higit ko pa itong mamahalin in the future time. Because what is certain in our lives is our present. Our tomorrow lies on our today.”

“Diretsahin mo na ako!”

“Talagang hindi ko dinala ang mga papers kagabi nang makipag-kita ako sa buyer. Hindi na ako nag-formal suite dahil hindi naman ako magtatagal sa meeting. I’ve just dropped-by in the hotel para sabihin kay Mr. Uy na…”

“Na ano? Bakit natigilan ka?”

“Maya, after you poured on me the whole of you last night, I’ve made my final decision…hindi ko na ipagbibili ang lote. Dahil doon ko itatayo ang isang modern-day citadel…kasama ang aking nakaraan habang nakatanaw ako sa hinaharap samantalang nakatuntong ako sa kasalukuyan…with you…You are my present, Maya. My here and now…my certainty!”

“Maya, you are the perpect reason why should I be a Filipino citizen again …I really really want you to be my life-time partner…Will you let it be? I’ts now or never, it’s you or nothing .”

Muling nagtubig ang mga mata ni Maya. Nanginginig ang mga labi at hindi na nakapagsalita. Basta’t niyakap niya nang mahigpit ang lalaki. Ito ang malinaw niyang tugon bilang pag-tanggap sa alok ni Schubert. Nagpa-ikot-ikot sila habang magkayakp at nagpalitan ng mga maiinit na halik

Natanaw nila ang auntie Lucy na nakamasid sa itaas ng tatlong baitanging terrace. Gulat na gulat ito at nakangangang pinapanuod ang kanilang eksena.

Ngunit hindi ito inalintan ng dalawa…mamaya o bukas o basta’t saka na ang mga kinakailangang paliwanag…lalo na’t sa mga sandaling iyon, iisa’t magkatulad na ang kanilang pananaw: itakwil man sila ng nakaraan, sumpain man sila ng mamaya at bukas basta’t ang pinaka-mahalaga…ay ang DITO at NGAYON!